KABANATA 17

1.5K 125 64
                                    

Honey's POV

Sinamantala namin ang paglapit ni Sandrynne kay Harris. Lumabas na agad kami ng kwarto at isinara ang pinto nang dahan-dahan para hindi niya 'yon maramdaman.

"Bry, hilahin mo 'yong doorknob para hindi mabuksan ni Sandrynne ang pinto mamaya," utos ko at dali-dali naman siyang sumunod. "Hilahin n'yo rin ako ni Pitchie para sigurado."

"Oh, yeah!" Masayang pumwesto si Pitchie sa likuran ni Bry at yumakap sa baywang niya.

Ang daya, pwesto ko dapat 'yon, e!

Wala na rin akong nagawa kun'di ang sumimangot at kumapit na lamang sa baywang ni Pitchie.

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang pagkalabog ni Sandrynne sa pintuan mula sa loob.

"BUKSAN N'YO ANG PINTO! ANO BA!" At dahil nasa loob ang lock kaya naman napipihit niya ang doorknob. Kaso ay hindi niya mabuksan dahil tatlo kaming humihila mula sa labas. "Hindi ako natutuwa sa ginagawa n'yo! Buksan n'yo 'to!" Nagpipigil ng tawa si Pitchie at Bry, habang ako naman ay naka-focus sa kamay ni Pitchie na nakaikot sa baywang niya. "Ayaw n'yo talagang buksan? Gusto n'yo pa ba'ng magalit ako sa inyo?!"

Sandrynne's POV

"Kahit ano'ng sigaw mo, hindi pa rin nila 'yan bubuksan. Mapapagod ka lang." Harris voice filled my ears, making me look back and glared at him. "Wag mo 'kong tingnan nang gan'yan, mas lalo akong naiinlab sa'yo." Bahagya pa itong ngumiti habang tagilid na nakahiga sa kama niya at salo ng kanang kamay niya ang kaniyang ulo. "H'wag mo rin akong irapan. Hindi mo ba alam na gan'yang-gan'yan ang matang d*nukot ko sa kanto?" Dahil sa sinabi niya, muli ko ulit siyang inirapan at saka ako humarap sa pinto at kinalabog 'yon.

"Buksan n'yo 'to!" Pinagkaisahan nila ako. "Pitchie, ayaw mo sa 'kin, 'di ba? Bakit kumakampi ka sa kanila?" Hindi ko alam kung ano'ng nakain niya at nakikisali rito gayong ayaw niya naman talaga sa akin para sa kuya niya.

Wala akong narinig na sagot mula sa labas kaya itinuloy ko na lamang ang paghampas sa pinto kahit na pakiramdam ko ay wala talaga silang balak na palabasin ako.

"H'wag ka na mag-aksaya ng pahanon sa kanila. Ako na lang ang pag-aksayahan mo ng oras mo para naman sulit ang pagpunta mo rito." Muli kong narinig si Harris kaya hinarap ko siya.

Bumangon siya sa kama, bumaba at humakbang palapit sa akin pero hindi totally malapit. Malaki pa rin ang espasyo sa pagitan namin.

At habang nakatayo siya, bumaba ang tingin ko sa suot niyang t-shirt at tumaas ang isang kilay ko nang mabasa ang naka-print sa harap no'n.

Sandrynne, will you be mine?

"Ano 'yan?" salubong ang kilay kong tanong sa kaniya. Pero imbes na sagutin niya ako ay bigla siyang umikot para talikuran ako. At unang lumanding ang paningin ko sa nakasulat sa likuran ng t-shirt niya.

Kapag humindi ka, lagot ka!

Saglit akong napatulala habang nakatitig sa mga salitang 'yon. "Make your decision now. Naiinip ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo na tayo na."

Hindi ko namalayang nakaharap na pala siya sa 'kin at nakangisi pa ang loko. "Hoy! Ano ba'ng pinaggagawa mo sa buhay mo? I mean, after ng nangyari sa'yo na panggugulpi ng apat na lalaki, nakuha mo pa'ng gumawa ng drama na kunwari patay ka na? Tapos ngayon naman may t-shirt ka pa na gan'yan?" Hindi ko kasi talaga maintindihan ang lalaking 'to. Noong una, napakasunigit niya sa 'kin. Pinagtripan niya pa ako noong first day of school, pero bakit ngayon ganito na siya?

"Bakit? Ano'ng masama sa t-shirt na 'to? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Hindi! Ang pangit! Lakas maka-jejemon ng style mo, San Pedro!"

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now