KABANATA 14

3.9K 248 206
                                    

Sandrynne’s POV

Mula sa concrete table set sa garden na kinauupuan ko, natanaw ko si Jazzmine na naglalakad, mukhang papunta siya sa library. Siguro magre-review, malapit na kasi ang preliminary exam namin.

Pero natanaw ko rin si Harris na nakasunod sa kaniya. Medyo mabilis itong maglakad, halatang hinahabol si Jazzmine. Bakit kaya?

Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa at pinagmasdan lang sila hanggang sa naabutan na siya ni Harris.

Magkaharap na sila ngayon at nakatingin sa kaniya si Jazzmine. Halatang nainis ito sa ginawa niyang pagharang. May sinabi siya kay Harris pero dahil malayo ako sa kanila kaya hindi ko narinig.

Bumuka naman ang bibig ni Harris at may sinabi rin pero hindi ko alam kung ano. Sumagot si Jazzmine at sa reaksyon nang mukha niya halatang inis siya. Pero ilang sandali lang ang lumipas ay agad nagbago ang awra ni babaita. Nakangiti na kasi ito at pati na rin si Harris. Tila nagkasundo sila na lalong ipinagtaka ko.

Ano ba'ng pinag-uusapa nila? Bakit sila nagngingitian?

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nainis. Kakaiba 'yong nararamdaman ko kay Jazzmine. Parang gusto ko naman na ako ang magsungit sa kaniya at utusan siyang lumayo sa boyfri—I mean, kay Harris. Oh, wait, hindi nga pala kami totoong magjowa. Gawa-gawa niya lang 'yon. Pero nakakainis lang kasi pinagkalat niyang boyfriend ko siya tapos susunod-sunod siya sa ibang babae? Duh!

Dahil sa inis ko sa pagpapalitan nila ng ngiti, itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa binabasa kong libro. Nakakaumay sila!

“May problema ba?” biglang tanong sa 'kin ni Honey. Oo nga pala, magkasama at magkaharap kami sa sementong mesa at parehong nagbabasa.

Ngumiti naman ako at umiling. "Wala." Naisipan kong sulyapan ulit 'yong dalawa. Nakita ko na tinapik ni Jazzmine ang balikat ni Harris habang nakangiti. Ngumiti naman din si Harris sa kaniya at saka na ito umalis.

Tuwing ngingiti siya sa 'kin, dalawang klase ng ngiti lang ang nakikita ko. Una, ngiting parang may binabalak. At ang pangalawang ngiti—ngiting nang-aasar. Pero bakit kanina kung makangiti siya kay Jasmine, wagas? Samantalang ako hindi pa niya nginitian nang gano'n.

Jazmine's POV

Papunta sana ako sa library nang biglang humarang si Harris sa harap ko.

“Ano ba?! Umalis ka nga!” inis kong sabi sa kaniya. “Are you following me? Kanina pa kasi kita napapansin, e! Paglabas ko pa lang sa room natin nakasunod ka na sa 'kin. Ano ba'ng kailangan mo?” Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nainis. Nakalagay sa magkabilang bulsa niya ang mga kamay niya at nakatingin lang sa 'kin. Feeling ko may kausap akong pipi. “Are you stalking me because Jolo is not around?”

“Nope. Actually, it’s because Sandrynne is not around. May gusto lang akong itanong sa'yo.” Medyo ngumiti na siya.

“Bakit sa 'kin ka pa magtatanong kung p'wede ka naman mag-google! Papahirapan mo pa 'ko!” Inirapan ko siya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"If only google knew the things she likes and dislikes—why would I even bother myself to talk to you?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Likes and dislikes?

"Sino ba'ng tinutukoy mo?"

"Si Sandrynne. Now, tell me kung ano'ng mga gusto at ayaw niya."

“How would I know? We’re not even friends! At saka wala akong pakialam kung ano'ng ayaw at mga gusto niya.” Inirapan ko siya ulit. Sa dami nang p'wedeng itanong, tungkol kay Sandrynne pa talaga? Hindi ba niya alam na hindi kami goods no'n?

“Hindi mo talaga alam?” Nagsalubong ang kilay niya. Akala siguro niya niloloko ko siya.

“Hindi nga! Kung may gusto kang malaman about kay Sandrynne, si Jolo ang tanungin mo."

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now