CHAPTER 2: ENCOUNTER

4K 149 2
                                    

SHY POV

RISE and SHINE everyone. Sinadya ko talagang gumising ng maaga dahil alam kong may gagawin ata kami. Napatingin ako sa pintuan ng may narinig akong kumakatok.

"Shy kakain na." rinig kong bose ni Mina sa labas. Hindi na ako nagresponse pa dahil narinig ko rin naman yung tunog ng yabag niya, it means umalis na siya.

Pumasok na ako ng banyo at ginawa na ang morning routine ko. After 20 mins, natapos na ako kaya naman lumabas na ako ng kwarto at bumaba nang hagdanan. Nakita kong kumakain na yung tatlo sa lamesa kaya naman umupo na ako at nagsandok ng pagkain.

"ohayo gozaimas." masayang bati ko sa kanilang tatlo.

"Morning too." bati sa'kin ni Mina at Zyra na kumakain na.

Tsk, as usual isang tao lang ang laging walang ganap at tanging natatanggap ko na response ay isang malamig na hangin lang na galing kay Hirai. Hindi man lang ako pinansin or tinapunan ng tingin.

Napaisip ako batuhin ko kaya siya ng shuriken baka sa kaling mapansin niya ako.

Napangiti naman ako ng nakakaloka.

"Wag munang ituloy yan Shy, kung gusto mo pang mabuhay." malamig na pagkakasambit niya saka angat ng ulo niya at isang napakalamig na tingin naman ang naramdaman ko dahil sa pagtingin niya sa akin.

Lamig tagos hanggang kaluluwa.

"Ba't ba ang galing mong manghula, mind reader ka ba?"  sabi ko habang nakanguso. Napatawa naman ako sa reaction nila lalo na si Zyra. Nabitawan ba naman ng bibig niya yung hotdog na kinakain niya.

"Pff.. Nakakatawa mga reaction niyo." natatawang sambit ko habang nakatingin sa kanila.

"Wag ka nga ngumuso hindi bagay sa'yo, dapat ako lang."  sabi ni Zyra saka gumaya sa'kin na ngumuso. Samantalang umakting na nasusuka si Mina sa gilid ko.

"Gross." aniya ni Mina saka uminom ng tubig at tiningnan si Zy  ng nandidiri.

Natigilan kaming tatlo ng tumayo si Hirai at dumeretso papuntang main door. Nagtakang tumingin naman kami sa kan'ya saka tumingin sa isa't isa. Huminto si Hirai sa mismong pintuan at lumingon siya sa'min at binigayan kami ng matalim na tingin.

"Tutunganga na lang ba kayo jan." malamig na sambit niya sa'min at kahit na naguguluhan kami ay tumayo na lang kaming tatlo kesa naman mayari pa kami. Takot pa naman kami sa kan'ya. Sumunod lang kami sa kan'ya at sumakay sa kotse niya ng walang tanong tanong.

Habang bumabyahe kami ay sinabi na sa'min ni Hirai na pupunta pala kami ng mall para bumili ng mga gagamitin naming apat sa pasukan bukas.

---
Pagpasok pa lang namin sa loob ng mall. Of course, lahat na naman ng mga tao ay nakatingin sa'min apat. Walang bago kahit nung nasa Japan kami ay ganun ang naencounter namin.

Marami kaming naririnig na bulong bulungan habang naglalakad kami. Ewan ko ba kung bulong pa ang tawag duon dahil sa naririnig naman namin mga sinasabi nila.

'Omg! Sila ba yung pinakamayaman sa buong mundo.'

'Omg sila nga. Ang ganda nila.'

'Pare Chixs o.'

'Akin yung may kulay ang buhok.'

Tsk. Napairap na lang ako sa naririnig ko.

Hindi ko kayo type, ang papanget niyo kaya. Gross kadiri.  Samantalang yung tatlo kong kasama chill chill lang sa paglalakad. Dumeretso agad kami sa National Bookstore para sa mga kakaylanganin namin sa school bukas.

Wala ng arte arte pa, deretso kuha agad kami ng mga school supplies na magagamit namin. Siguro si Zyra lang ang maarte sa'min apat dahil gusto niya lang naman na maganda yung mga gamit niya.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon