CHAPTER 18: ANOTHER DAY

1.8K 70 5
                                    

ACE POV

Maaga kaming pumasok ngayon sa fujiwara academy gaya ng paalala ni Milady Mina naging alerto kami sa mga nakapaligid sa'min. kaylangan namin maging matalas ang tingin sa palagid, kaylangan namin maprotektahan ang mga Goddessses of Angeles dahil nangako kami sa lolo ni Milady na proprotektahan namin sila.

Kailangan din namin sundi yung utos ni Milady na bantayan ang mga God's of Hell na kahit galit at mainit pa kami sa mga mata nila.

Pagpasok palang namin sa loob ng campus, pansin na namin may kakaiba sa paligid. Dumeretso na kami sa locker room namin para kunin yung ibang mga gamit na iniwan namin kahapon. Bago pa kami makapunta duon hinarang na agad kaming ng God's of Hell.

"What do you want?" kalmadong tanong ko. Kaylangan kong kumalma, ayokong patulan sila pero kung uunahan nila kami, hindi i kami magpapatalo.

"Tsk. Matapang ka rin nuh porket natalo mo kami." inis at maangas na salita nung Cloud ata yon. Tumingin lang ako sa kan'ya at hindi nagsalita.

"Move on pre. Tanggapin niyo na lang na natalo kayo." kalmado na sabi ni Andy. Napaiwas ako ng sapakin ako ni Cloud buti na lang rin at mabilis yung reflection ko at nakaiwas ako. Sinugod nila kami, kaya kahit ayaw namin labanan sila, wala kaming choice kundi labanan din sila.

Napahawak ako sa mukha ko nang sapakin ako nung leader nila na si Alexei. Shit! napadaing akong napaluhod ng tadyakan niya yung tiyan ko.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at binawian siya ng isang sapak. Napabuntong hininga ako nang makita ko sa relo ko na malapit ng magbell, ayokong madetention ngayon.

"finissons ça avant qu'ils nous voient Milady." I said to them in french. Tumungo naman silang tatlo.

Tinapos na namin yung laban at mabilis na umalis para pumunta sa HQ nila Milady. Alam namin yom dahil sinabi sa'min ni Lady Hirai iyon, in case of emergency daw.

"SHIT! NAKAKAINISS TALAGA SILA!" galit na saad ni Froa nang makarating kami sa HQ.

Pasalampak na umupo ako sa sopa at huminga ng malalim.

"Hayaan niyo na. Ayos niyo na yang sarili niyo. Malapit nang magbell." kalmadong utos ko sa kanila. Ayoko na rin na magreklamo, gusto ko na lang isave yung energy ko sa ibang bagay. Buti na lang rin hindi kami masyadong napuruhan ng mga God's of Hell kundi hindi talaga ako papasok. Pasalamat na lang rin yung mga God's of Hell dahil utos ni Lady Hirai na bantayan at protektahan sila.

"Hindi ba natin sasabihin kila Lady Mina itong nangyari?" tanong ni Max na ikinalingon ko sa gawi niya.

Umiling lang ako. "Wag na lang muna. Ayokong magkaroon sila ng ideya na magkakilala tayo at ng mga Goddesses of Angeles." napabuntong hininga na lang sila saka inayos na ang sarili bago pumunta ng classroom.

ALEXEI POV

"Fuck! Fuck! Nakakainis! Arghh!" galit na bulas ko pagkarating namin sa garden. Hindi kami dumeretso ng classroom dahil sa mga itsura namin. Ayoko talaga sa lahat ang natatalo. Nakakainis lang dahil sa paangalawang pagkakataon ay naisahan na naman kami nila.

"Makakabawi rin ako sa kanila. Arghh! FUCK THIS SHIT!" Inis na sigaw ni Cloud sabay pinagsisipa yung punto na nasa harapan niya.

"Haya—"

"Ang ingay." hindi natuloy yung pagsalita ni Hachi ng may nagsalita. Napatingin kami kung saan galing yung boses na yon.

Napaangat yung ulo namin kung saan galing yung boses na yon at duon nakita namin yung isang babae na nakasalamin. Mukhang bago lang siya ata dito, ngayon ko lang siya nakita rito sa loob ng campus.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ