CHAPTER 29: FINAL AND LAST BATTLE

1.6K 61 1
                                    

HIRAI POV

Sa kakasunod ko kay Avriana napunta kami sa rooptop. Tumigil ako sandali at pinindot yung earpiece ko.

"Nakalabas na ba ang lahat, Klint?" tanong ko sa kabilang linya.

[Yes. But some of the Cleo people are dead. Tapos si Shy at Zyra naman madaming natamong sugat.] mahinang sambit nito sa akin. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa sobrang galit ko.

Hindi na ako nagsalita at pinuntahan si Avriana.

"ANO HELL CLAIX PRINCESS? WALA KA NA KAWALA PA!" sigaw ko habang nilalapitan siya.

Tumawa ito nang sobrang lakas. "sa tingin mo mapapatay mo ko? UUNAHIN MUNA KITA!" tumakbo ito sa dereksyon ko at sinugod ako.

Sinalag ko yung katanang papunta sa akin. Umikot ako para tamaan siya sa likod. Tanging tunog ng mga katana namin ang naririnig bukod sa mga pagsabog na nagaganap sa baba nang gusali. Napadaing ako nang madaplisan niya ako sa braso. Pinunasan ko lang yun at muling nakipaglaban sa kan'ya.

"Ano DARK EMPRESS kaya mo pa? Nanghihina kana. Mamamatay ka na!" natatawang sambit nito habang nakatutok sa akin yung katana niya.

Sinangga ko lang yun at umikot para tirahin sa likod niya pero sa pagikot ko yun naman ang pagtama sa'kin ng paa niya.

"Arggh" napatumba ako at napaubo. Nanghihina akong tumayo, marami na rin pala akong sugat pero hindi ko hahayaan na matalo niya ako. Hindi ko hahayaan na mabuhay pa siya dahil sisiguraduhin kong ibabaon ko siya sa hukay.

"TUMIGIL KANA AVRIANA! KAHIT ANONG GAWIN MO HINDI MO MAKUKUHA ANG TRONO KO!" hindi ata uso sa'min magsalita nang hindi sumisigaw. Masyado rin kasing maingay ang buong paligid.

Tumakbo ako sa kan'ya at nagpalitan kami ng atake kahit ni isa sa aming dalawa walang nagpatalo.


NAPATUMBA kaming pareho nang lumindol yung buong gusali nang sumabog ng napakalas. Napahawak ako sa ulo ko habang sinusukan kong tumayo sa pagkakabagsak, pero masyadong malakas yung pagkakabagsak ko kaya medyo nahihilo ako. Napatingin ako sa dereksyon ni Avriana na sinusubukan ring tumayo.

Tumayo ako at agad na itinutok sa kan'ya ang matulis kong katana sa leeg niya. Umangat ang ulo nito at malamig na tinginan ako.

"Kill me." matapang na utos ni Avriana..

I smirked at her. "It's my pleasure." itinaas ko yung kamay ko at handa na siyang patayin.

"Arghh." napahinto ako nang makaramdam ako nang malamig na bagay na tumama sa hita ko. Ibinaba ko yung tingin ko sa hita ko na may nakabaon na kutsilyo.

Hinihingal na binunot ko iyon at binigyan ko nang isang malakas na sampal si Avriana na ikinatumba niya ulit.

"Stupid, bitch." malamig kong sambit. Hinatak ko yung buhok niya at tinayo siya, nahihirapan pa itong makatayo pero wala siyang nagawa kundi ang magpumiglas sa pagkakahawak ko sa buhok niya.

Inikot ko yung katana na hawak ko saka tiningnan siya sa mga mata niya. "It's time to say goodbye, Hell Claix Princess. Sayonara."

Sinaksak at ibinaon ko sa tiyan niya yung katana ko na ikinasuka niya nang dugo. Binitawan ko yung buhok niya at unting unting itong napaluhod.

"A-akala m-mo h-hayaan....K-kitang....M-mabuhay. nagkakamali ka" ngumisi ito at idinura sa gilid niya yung dugo at pinagmasdan ako.

Tumalikod lang ako at naglakad papuntang pintuan.

"DARK EMPRESS!" sigaw sa'kin. Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kan'ya ngunit sa pagharap ko nakatayo ito habang may hawak hawak na baril at nakatutok sa akin.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now