CHAPTER 10: PARTNERS

2.9K 121 2
                                    

CLOUD POV

Tinanghali na kaming apat ng gising, anong oras na rin nung nakauwi kami sa mansion. At hanggang ngayon badtrip pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. Akalain mo rank 1 lang pala ang makakatalo sa'min, isang kahihiyan yun para sa'min nila Alex.

"Zup bro, bad mood ka pa rin." natatawang asar ni Zero habang tumabi naman siya nang upuan sa'kin. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya na ikinatawa niya lang lalo. Wala kaming teacher ngayon kaya malaya kaming makapagingay ng kahit anong oras.

"Chill. Ang high blood mo ngayon eh." pangaasar niya pa lalo sa akin. Babatukan ko na sana siya ng maunahan niya ako at mabilis na tumayo.

Tumayo ako para habulin siya ang kaso sa kakaatras ni Zero ay hindi niya nakita na may tao pala sa likod niya. Napatingin agad siya sa taong nabangga niya.

"Hala pasensya na miss." paghingi niya ng pasensya kay Shy. Oo si Shy yung nabangga niya pero hndi man lang siya pinansin nito at pumunta lang sa mga kaybigan niya.

"Pfff—snob ka lang."natatawang saad ko nang makalapit na ako kay Zero. Napakamot naman siya ng batok sabay sulyap kay Shy na nakatingin lang sa cell phone niya.

"Amazona bro." bulong ni Zero. Natawa naman ako dun kaso nang biglang napalingon sa'min si Shy kaya tumigil ako sa pagtawa at kunwaring walang alam.

Nilapit ni Zero yung mukha niya saka bumulong "Yari ka, ang sama ng tingin sa'yo." pananakot pa niya sa akin. Pasimpleng sumulyap ako nang bahagyan at tama nga si Zero ang sama nga ng tingin sa'kin.

Bahala siya jan wala naman ako ginawa, tumawa lang naman ako.

SHY POV

Pabalik na ako sa classroom nagcr lang kasi ako kaya nasa labas ako since wala rin naman kaming teacher kanina pa kaya pwedeng pwede lumabas anytime. Nang nasa loob na ako ng room naglakad ako papunta sa pwesto namin pero dahil nakatutok ako sa phone ko hindi ko alam na nasa harapan ko pala yung likod ni Zero kaya ang ending nabangga niya ako.

"Hala pasensya na miss." hingi niya ng pasensya sa'kin, inangat ko lang yung ulo ko sabay tingin saglit sa kan'ya tapos hindi ko na pinansin at dumeretso lang ako nang lakad papunta sa upuan ko.

"Wala pa rin bang teacher?" tanong ko nang tuluyan na akong nakaupo sa upuan ko. Umiling naman si Mina bilang pagsagot sa tanong ko. Kinuha ko na lang ulit yung ang cell phone ko at inopen ito. Habang nagcell phone ako narinig ko yung binulong ni Zero kay Cloud, hindi ko na sana papansinin pa nang marinig ko yung tawa ni Cloud, kaya naman ibinaba ko yung phone ko saka masamang tingin ang ipinukol ko sa ulap na 'yon.

Tsk.

Well i know naman na balita na rito sa school na nakaharap nila yung rank 1 at pinaka headline duon ay yung natalo sila. Alexei is still upset about that dahil isang napakalaking kahihiyan yon para sa kan'ya dahil siya ang leader ng Gang nila. Wala naman silang magagawa dahil nangyari na at hindi na mapipigilan pa ang pagkalat ng balita.

Sorry for them pero kahit anong gawin nila ay hinding hindi nila kami matatalo.

MINA POV

Today is the day. So yun na nga kalat na kalat na sa buong campus yung pagkatalo ng God's of Hell. Kawawa lang dahil yung mga mukha nila wala sa mood.

'Oh my god. Alam mo ang gwapo pa rin ni Cloud kahit na nakabusangot siya.'

'Oo nga ei, kaso ang balita ay natalo raw sila kaya ganyan ang mga itsura nilang apat.'

Kawawa naman silang tatlo, sila tuloy ngayon ang headline sa school na ito. Well, masyado kasi silangnmayabang at expected na matatalo nila kami. We are Goddesses of Angeles ang pinakamalakas sa buong mundo kaya walang makakatalo sa'ming apat.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now