CHAPTER 30 : END

1.6K 57 1
                                    

KLINT POV

This is supposed to be a happy day, but because of what happened yesterday, I'm sad. This is my fault. If I did come back inside after I let them out, then maybe she is safe, and I wish I was the one who brought her to the hospital.

Until now, I still blame myself for what happened.

"Apo, hindi mo naman kasalanan yon. Walang kahit sino sa atin ang may kasalanan dun." pagpapagaan ng loob sa'kin ni lolo. Hindi pa nakakauwi si lolo sa Japan dahil gusto niyang manatili pa rito habang hindi pa nililibing si Hirai.

Napaangat ako nang ulo nang bumukas yung pintuan. Nagmamadaling lumapit sa'min sila Shy at Mina na parang hinahabol sila.

"Ohh, bat ganyan mga itsura niyo?" tanong ni Zy sa kanila.

"Kaya nga, ano bang nangyari at nagmamadali kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Huminga muna sila ng malalim bago silang dalawa nagsalita.

"NAWAWALA KATAWAN NI HIRAI!!" napalaki yung mata ko sa sinabi nila.

"ANO!/ WHAT!/ FUCK!" sabay sabay naming salita. Nagkatingin kaming lahat sabay balik ng tingin sa dalawa na hinahabol pa rin yung hininga nila.

Paanong nawawala yun samantalang kitang kita kong nasa loob pa yung katawan ni Hirai nung sumabog yung kotse na sinasakyan nila.

After kasi nun i decide na ipunta muna sa headquarter sila Mina para ipagamot, while nagpaiwan ako nang ibang tauhan para icheck yung kotse at para makuha yung katawan ni Hirai.

Nagvolunteer si Shy at Mina para tulungan yung mga tauhan namin na kuhain ang katawan ni Hirai tapos ngayon malalaman namin na nawawala ito..

"Paano? Paanong nangyari yun?" naguguluhan kong tanong sa kanila. I mean sino naman ang magkakainterest na kuhain yung katawan niya? mga Yinshin org pa rin ba? o ibang tao naman.

Napabuga ng hangin si Shy. "Ayon din ang pala isipan sa'ming dalawa ni Mina. Ano nang gagawin natin?" tumingin siya sa akin at nagaantay ng sagot ko.

Umupo silang dalawa saka uminom ng tubig dahil na rin siguro sa pagod nila.

"Kaylangan natin makahanap ng bagong katawan para sa ipapalit kay hirai para hindi na rin sila magtaka pa at kaylangan natin mahanap yung katawan niya, buhay o patay man." pagsusuggest ni Mina habang seryoso itong nakaupo at nakasandal sa sopa.

"Tama si Mina. Kaylangan natin makasigurado." pagsasang-ayon naman ni Lolo sa kan'ya.

Tumayo ako bigla kaya naman ay napatingin sila sa akin ng may pagtataka. Tiningnan ko silang lahat.

"Saan ka pupunta Klint?" tanong nila.

"Ako nang bahala sa katawan na katulad ng kay Hirai." aniya ko. Tumungo naman sila bilang sang ayon. Umalis na ako nang headquarter at pumunta sa kaybigan ko na alam kong makakatulong sa'kin.

Nandito ako ngayon sa black market. Inaantay ko yung sinasabi kong kaybigan ko na makakatulong sa'kin. Napangiti ako nang masilayan ko yung mukha niya.

"Klint, my best friend." lumapit ako sa kan'ya at nakipagfist bump.

"I need your help, buddy." deretsyang saad ko. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Anything, bud." aniya niya.



THIRD PERSON POV

Galit na galit na pinagsasapak ni Alex yung punching bag na nasa harapan niya. Pagkatapos niyang mawalan ng malay, nagising na lang siyang nakahiga sa hospital bed. Ipinaliwanag na rin ng mga kaybigan niya ang mga nangyari nung nawalan siya nang malay.

Halos magwala si Alex sa loob ng hospital ng malaman niya yun. Nagdecide siyang umuwi nang mansion at duon magpagaling.

He still can't believe na wala na si Hirai. Sinisisi ni Alex ang sarili na kung bakit iniwan ang dalawa at sana hindi niya ito nasaktan. Alam ni Alex kung bakit niya nagawa yun lalo na tinakot siya ng Avriana about sa family niya.

"Tama na pre." awat ni Hachi kay Alex nang pumasok ito nang training room. Tumigil ito at nilibot niya yung tingin niya sa buong training room. Sobrang gulo at mga sira sira na ang mga gamit dito.

Nang makauwi kasi ito galing ng hospital, nagpahinga nga ito pero agad din siyang nagtungo sa training room at duon binuhos ang lahat ng galot na nararamdaman niya.

Napakasakit kay Alex ang pagkawala nang dalaga. Hindi na niya  alam kung anong gagawin niya ngayong wala na sa tabi ni Alex si Hirai.

Walang reaksyon na umalis na si Alex sa training room at pumunta sa kwarto nito para magpalit ng damit.

Pumunta nang arena si Alex at halos lahat ng mga gangster nakalaban na niya pero parang hindi pa rin sapat ang mga ginawa niya. Heto siya ngayon nagpapakalasing na lang para makalimutan yung sakit na dinadananas niya.

'I love you baby'

' I love you too Alexei'

'Mahal kita Hirai. Pwede ba kitang ligawan?'

Samantalang nakabantay lang sa tabi ni Alex yung mga kaybigan nito. Alam nilang hindi nila ito mapipigilan na hindi umalis kaya sumama na lang sila at binantay, baka sakaling may gawin ito sa sarili niya.

Isang beses nung naginom si Alex at umuwi ito mag-isa na lasing tapos nagulat sila Hachi nang malaman nila na naaksidente ito at isinugod na naman sa hostpital. Kaya ngayon binabantayan na nila ito para hindi na maulit yung nangyari.

Nag-aalala na rin ang mga Goddesses of Angeles nung ibalita nila yung nangyari kay Alex. Hindi rin kasi nagpakita sila sa campus lalo na inaasikaso nila yung lamay non.

"Pre, tama na yan umuwi na tayo." pagpigil ni Ulap sa kan'ya pero tinabig lang ni Alex yung kamay ni Ulap at nilagok yung baso na may lamang alak.

"Hindi pa.... ako...  lasheng" sagot nito.

Sabay sabay silang napabuntong hininga. Mukhang matatagalan pa bago maging okay itong si Alex. Sana lang matanggap at makalimutan na ni Alex yung galit niya sa sarili niya at sana matanggap na rin niya na wala na talaga ang babaeng mahal niya.

"Let's just wait for the meantime." aniya ni Hachi habang nakasulyap kay Alex na umiinom pa rin.

"Sige." sagot ni Cloud habang si Zero naman ay tahimik lang sa gilid.


MARAMING araw na ang lumipas ngunit ganun at ganun pa rin ang ginagawa nang binata. Umuuwi itong sugatan.at lasing. Minsan naman ay binabantayan ng mga kaybigan nito para hindi ito mapahamak o mapaaway.

Sa kabilang banda naman ay busy naman ang mga Goddesses of Angeles para sa huling lamay na magaganap. Laging pumupunta ang mga God's of Hell sa lamay pero si Alex na isang beses lang nagpakita at hindi na bumalik pero naintindihan yon ng mga Goddesses of Angeles at ng iba pa lalo't na hindi sinabi ng mga Goddesses of Angeles ang tungkol sa pagkawala nang bangkay ni Hirai at hindi yan ang tunay na katawan nito. 

Yung kambal na Margaux sister naman ay patuloy pa rin sa pagiimbestiga at paghahanap sa nawawalang katawan ng dalaga. Samantala ang mga Phoenix Crest King naman ay bumalik sa Japan upang asikasuhin yung pinapagawa sa kanila nang Lolo ni Hirai.

Marami nang mga bagay ang nagbago simula nang nawala si Hirai lalo si Alex at si Klint, pero patuloy pa rin silang umaasa na buhay pa ito.

---

Do you think this is the End?

Q_M

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora