CHAPTER 5 : TROUBLES

3.1K 122 0
                                    

SHY POV

Maaga akong nagising ngayon. Naghanda na rin ako para sa pagpasok mamaya. Tsaka ayoko rin mahuli sa pagkain ng agahan nuh.

"Good morning." masiglang bati ni Mina ng makapasok ito sa dining. Umupo naman ito sa tabi ko saka kumuha ng fried rice.

"Good morning din." bati naming sabay ni Zy, Nagkatinginan pa kaming dalawa kasi nga nagkasabay kami, sa huli natawa na lang kaming tatlo. Si Hirai lang naman talaga Kj at hindi tumatawa.

"Anyway, bilisan na lang natin kumain." aniya ko sa kanila. Tahimik lang sa isang tabi na kumakain ng almusal si Hirai.

"Wahh!" nagulat naman kami ng bigla sumigaw si Zy pati si Hirai nagulat din. Nagpeace sign naman ito sa'min pero itong si Hirai ay isang masamang tingin lang ginawa nito sa kan'ya. Siraulo eh, nahanginan na naman siguro utak nito.

"Get ready na girls, para we're early to punta in school." maarteng sabi ni zyra, conyo kamo.  Napabuntong hininga na lang kaming tatlo kasi inatake na naman siya ng kaartehan niya at kasaltikan. 

Maya maya ay natapos na kaming lahat magsikain at mag asikaso. Sa mga oras na ito ay papunta na kami sa campus. Pagbaba palang namin sa mga kotse namin ay nakaramdam naman agad kami ng kakaiba sa paligid.

"Mukang masama ang pakiramdam ko sa mangyayari ngayon ah." aniya ko sa kanilang lahat habang nagmamasid sa paligid.

"Same girl, i feel it too." sang ayon naman ni Zyra sa akin habang maarteng tinititigan ang kuko nito.

"Maghanda na lang kayo sa pwedeng mangyari sa corridor mamaya." malamig na paalala ni Hirai sa'min. Sumang ayon naman kaming lahat sa paalala niya saka nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pinapakiramdaman naman namin yung paligid but we just act normal para naman hindi kami halata na nakikiramdam kami sa paligid. Napansin ko yung isang parte ng corridor nandoon ang lahat mga estudyante at lahat sila naghahanda ata.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at umakting na parang walang kaalam alam sa nangyayari. Makalipas ng ilang minuto ay unting unting nagsilabasan sila at tama yung hinala ko kasi lahat sila ay pinagbabato lang naman kami.

Si Zyra at Mina ay madali lang nilang naiwasan ang mga kamatis at itlog na pinagbabato nila parang sumasayaw nga lang kaming lahat kung titingnan eh.

Napatigil sila at kami ng may narinig kaming isang malakas pagkabasag ng itlog. Tumingin kami sa pwesto ni Hirai na nakaharap sa isang babae.

"Oops sorry sinadya ko." malamig na anas ni Hirai habang nakatingin sa babae na may itlog sa damit. After nun ay nag walk out siya at kami naman ay sumunod lang sa kan'ya. Hinabol pa kami ng isang babae at akmang sasabunutan sana ng babae si Hirai pero hindi natuloy ng magsalita si Hirai.

"Wag mo ng subukan baka magsisi ka pa."  mautoridad na sabi niya habang nakatalikod ito sa babaeng clown pero parang walang narinig yung babae at itinuloy pa rin niya yung pagsabunot kay Hirai.

"Fuck!" malutong na mura ni Hirai. Nagkatingin lang kaming tatlo tapos kay Hirai. Bahala siya jan, hindi namin susubukan na awatin yan dahil ayaw namin makigulo nuh baka madamay kami sa galit ni Hirai.

Napansin kong naka kuyom na ang kamay ni Hirai at mariin na nakapikit na ang mga mata nito,  which means she's mad now, really really mad now.

Hindi na kami nagulat ng maya maya ay hinatak niya yung babae at pinagsasapak at pinagtatadyakan.

Susuntokin pa sana ni Hirai yung babae pero inawat na namin siya dahil baka mapatay pa niya yung babae. Kawawa pa naman kasi putok na yung labi nung babae tapos sira sira na rin yung damit. Marahas na hinatak ni Hirai yung braso niya at walang paalam na umalis ito habang kami naman ay tumitingin sa babaeng nakaupo sa lapag.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now