CHAPTER 17: NEW STUDENTS

2K 85 4
                                    

SHY POV

IT'S BEEN A weeks, for the Phoenix Crest Kings, today is their first day of school. The plan is we need to act so that we do not know them. Since the G.O.H already knew them, we had to pretend, because Alex might notice that we knew the Phoenix Crest Kings.

Obviously maaga kaming nakarating ng campus kaya naman tamang antay sa prof namin. And as usual yung dalawang malamig na magjowa ayon tulog na tulog.

Hirai told us everything about how she and Alex became a couple. Ang sweet nga eh, habang sinasabi niya sa'min yun. Wala pa rin nagbago parehas pa rin silang malamig, sadyang sila lang nakakaintindi sa isa't isa. Napasimangot ako nang marinig ko yung landian ng dalawang cassanova.

"Annoying." kilalang kilala ko yung boses na yon, inis na lumingon ako sa taong tumawag sa'kin. Speaking of the devil, nandito lang naman ang the one and only ugliness in the world. Insert niyo na lang yung sarcastic laugh ko.

"Makaugly naman ikaw. If i know, may crush ka sa'kin and fyi ang gwapo ko kaya" mas lalong sumimangot yung mukha ko nang magpogi pose pa siya. Hambalusin ko kaya ng upuan ito para malalaman niyang hindi siya gwapo.

Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa tapos umakting na kunwaring nasusuka.

"Grabe ah." aniya ng makita yung ginawa ko. Napahawak pa siya nang dibdib niya habang nagdadrama na kunwari nasaktan ko siya.

"Ang hangin mo rin noh. Sa bagay ulap ka pala kaya tropa mo yung hangin." sarcastic na sabi ko. Nakakairita talaga siya ang sarap ipatapon sa bermuda triangle.

"Atleast ako ulap, ehh ikaw Shy pangalan mo eh wala ka namang hiya, makapal kaya mukha mo, bruha mong babae ka." panglalait niya sa'kin. Galit na lumapit ako sa kan'ya para sana sabunitan siya. Makapal pala mukha ko ah, sampulan ko kaya ng isang malupit na sapak. Sinusubukan talaga ako ng ulap na'to. Bugbog berna aabutin niya sa'kin.

Hawak ko na yung buhok ni Cloud ng pumasok yung dean/P.A ni Hirai kasama yung mga Phoenix Crest King. Napatigil naman ako saka binitawan yung buhok ni Cloud at bumalik sa upuan ko. Pasimple akong tumingin sa gawi nila Hachi na ngayon ay masama ang tingin nila sa apat. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi nila matanggap na natalo sila ng Phoenix Crest King na rank 4 lang samantalang sila ay rank 2.

Pumunta sa gitna yung dean at nagsalita."Good day to all, Today you will have new classmates." lumingon naman siya sa apat. "Kindly introduce yourself. "

Unang pumunta si Ace para magpakilala. "Ace Synder Fox 18 yrs old nice to meet you all" as expected magalang talaga ang leader ng Phoenix Crest King kahit dito ay dinadala niya pa rin ang manners niya.

"I'm Maxiel Lauren's Miller 18 yrs old." He smiled slightly. "My pleasure to meet you."

after ni Maxiel magpakilala bigla naman.nagsitilian yung mga kababaiham sa'min, kaya ako namang si troublemaker na bibida.

"SHUT UP!." sigaw ko. Buti naman at nagsitahimik sila nang sumigaw ako. Ang  haharot at lalandi, ampapanget naman.

"Hello" He waves his hand. "I'm Andy Leym Fitzuro 18 yrs old." malapad na ngumiti siya sa lahat..

"Froa Zero Mitzukiyo, 18 yrs old. " I chuckled slightly when he introduced himself. Napaka lamig niya parang si Hirai at Alex lang kung umasta..

Tumungo tungo naman yung dean at itinuro yung mga bakanteng upuan. "You can sit now guys and please guys treat them better. Goodbye, that's all."

Umalis na yung dean at kami naman ay bumalik sa kung ano mang ginagawa namin. Bumalik sa dating ingay yung buong classroom.

"Hoy, ulap." tawag ko. Gusto ko sana tumawa ng malakas nang makita ko yung mga mukha nila Cloud, bakas kasi sa mga mukha nila yung inis nung dumating sila Ace.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now