CHAPTER 19: DEAM GEMINAE

1.9K 70 2
                                    

I'm Sorry, kung ngayon lang ako nakapagupdate.

HAPPY 10.8 K VIEWS salamat sa pagtatiyaga sa pagbasa ng story ko 🥰🥰🥰


‐-----------‐-------

HIRAI POV

I heard na nagwalk out si Mina dahil sa nabadtrip siya kila Ulap kahapon, buti nga sa kanila. Nandito ako ngayon sa rooftop kasama ko si Alex. Naisipan ko lang na tumambay dito sa taas.

"What are you thinking baby." tanong niya sa'kin sabay back hug. Napapikit na lang ako sa hangin na tumama sa pisngi ko.

"hmm, nothing." sagot ko. I'm still thinking about kung paano ko masasabi na kami ang Goddesses of Angeles. Magagalit kaya sila or siya sa'min, sa'kin. I don't know.

I sighed heavily. "Alex." tawag ko kahit na nakatalikod pa rin ako at nakaback hug pa rin siya.

"Hmm, yes baby?"

"Always remember that I love you." I said with my sincere voice. Humarap ako sa kan'ya para makita siya.

He smiled."I love you more baby." hinalikan niya ako sa labi. I kissed him back.

Bago pa lumalalim yung halik namin, biglang tumunog yung bell which means simula nang klase. Napabitaw ako saka napasimangot na lang.

He chuckled" So cute." then pinched my cheeks and kissed the tip of my nose. Hindi pa rin ako makapaniwala na may sweet side palang itong si Alex. Sana lang ganito pa rin siya kapag sinabi ko na sa kan'ya yung totoo.

Sabay kaming bumaba ng rooftop at pumunta sa classroom. Nandoon na rin yung mga kaybigan ni Ace pati sila Hachi at Shy.

WALANG ganap yung buong klase dahil nagsabi yung prof namin na may meet silang lahat ng mga teachers para sa gaganapin na festivals dito sa Fujiwara Academy. Hindi na ako sumama sa meeting nila dahil yung dean ko na bahala magsabi sa'kin sa mga pagmemeetingan nila.

Kasalukuyan kami ngayon na nasa garden. Nagpapasalamat na lang din akl at walang bangayan na nagaganap sa pagitan nila Alex at Ace. Mukhang natakot at tumalab ang pagsermon ni Mina kahapon.

Nagkwkwento lang yung iba samantalang yung mga Phoenix Crest King naglalaro, ewan ko lang kung ano yon. Nakita kong may parang may tinitingnan yung mga God's of Hell sa kalayuan ng garden. Siningkit ko naman yung mata ko para makita ito.

"Diba siya yung nerd na nakita natin kahapon?" takang tanong ni Ulap kila Alex. Tumungo naman sila habang nakatanaw sa dalawang babae.

"Sino kaya yung kasama niya mukha silang magkambal." ani ni Ulap na nakatingin pa rin.

Nagulat si Ulap ng batukan siya ni Shy. "Tonta magkambal talaga sila." inis na sabi ni Shy . Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa lakas ni Shy bumatok. Napangisi na lang ako sa kanilang dalawa.

Ibinalik ko yung tingin ko sa dalawang babae na bandang nasa kalayuan. May kakaiba sa kanilang dalawa, hindi ko lang maexplain pero pakiramdam ko nakikiramdam sila sa'min.

Naputol yung pagiisip ko ng tawagin ako ni Hachi. "By the way Hirai. Anong balak niyo sa festival?" tanong niya.

Lumingon ako sa kan'ya. "I don't Know. Wala pang sinasabi yung dean sa'kin." sagot ko. Napatigil kami at sabay sabay na lumingon ng dumaan sa'min yung dalawang kambal paalis ng garden. Pagkaalis nila napatingin ako kila Mina, nagkatitigan lang kaming na naguusap gamit yung mga mata.

Tumungo sila at tumayo na. " We have to go. " aniya ko sabay tingin kila Alex na nakatingin sa'min ng may pagtataka.

"Wait! saan kayo pupunta?" tanong ni Zero sabay tingin kay Zyra.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon