CHAPTER 15: CONFESSION

1.9K 92 4
                                    

Hirai POV

After that meeting, kumilos na agad kami para puntahan yung taong 'yon pero mukhang may nakamasid sa mga kinikilos namin.

~Flashback~

Ngayong araw naming balak punta si Arnold Hermes, siya yung sinasabi sa lead ko na nakakaalam ng buong nangyari dahil nandoon siya nung mga araw na kung saan pinatay ang magulang ko.

"Are you ready?" malamig at seryoso kong tanong.

Sabay sabay naman silang tumungo. Pumunta na kami sa kotse ko. Isang kotse lang gagamitin naming apat.

Ikinasa ko yung baril na hawak ko at inilagay sa hita ko. Pinaandar ko na yung makina saka umalis na nang mansion.

"Make sure na walang makakasabotahe ng gagawin natin." utos ko kay Shy na taga hack ng mga location at mga systems.

"Copy that." sagot niya.

ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang building kung na saan yung Arnold na hinahanap namin. Nagdecide kami na pumasok sa likod ng building dahil nakita namin na may nakabantay dito na mga armdong lalaki. Masyado pang maaga para makipaglaro sa kanila.

Kalmado lang kaming naglalakad papuntang elevator. Walang kahit na anong tunog silang maririnig dahil bata palang kami sinanay na kami na hindi marinig yung yabag ng mga paa namin.

"wait." bulong ni Zyra. Napahinto naman kami saka tumingin sa paligid.

Napatago kaming apat ng may narinig kaming papunta dito sa direksyon namin.

"Let's go." utos ko.

Nang makarating kami sa elevator, sumakay kami at pinindot ko yung pinakadulo nito. Nagulat pa kami ng pagkabukas ng elevator may lalaki na nakatayo. Agad kong hinawakan yung ulo nito saka inikot para mawalan ng malay.

"muntik na." rinig kong bulong ni Mina.

Inilabas ko yung pistol ko at kinasa ito. Sinipa ko yung pintuan saka pumasok.

"Itaas mo kamay mo kung ayaw mo pasabugin ko bungo mo." malamig kong pagkakasabi. Sinunod naman ng lalaki yung utos ko. Lumapit ako saka marahas kong hinatak ang kwelyo niya.

"I know who you are." nanginginig niyang wika. Ngumisi naman ako sa sinabi niya. "Really? I bet you know what I'm doing here." demonyong ani ko.

"Yes, i know." yukong sagot niya.

Napabitaw ako kay Arnold ng may nagpaputok galing sa labas. Napalingon ako at tumakbo para habulin si Arnold na nakatakas dahil nga sa pagbaril sa'kin.

"Shit!" pinaulanan ko siya ng baril pero ang swerte ng gago nakaligtas sa mga tama ko. Pero malas niya the end na yung napuntahan niya..

"Stop chasing Mr. Arnold." kalmadong lumapit ako sa kan'ya pero inatake niya lang ako, nakipagpalitan ako ng sipa at sapak sa kan'ya.

Halatang magaling siya pagdating sa martial arts dahil sa liksi ng mga kilos niya. Napaout balance ko ng sikuhin niya yung likod ko.

"Arghhh." daing ko. humarap ako sa kan'ya. Umikot ako para bigyan siya ng isang sipa, tumama naman ito pero nakatayo agad siya.

"Manang mana ka nga sa nanay mo at tatay mo." nakangising sambit niya. Tumakbo ako at tinalunan siya. Ipinulupot ko yung braso ko sa leeg niya.

"Bakit hindi mo na lang sabihin kung sinong pumatay sa kanila nang hindi ka mahirapan." sambit ko habang nagpupumiglas siya sa pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya.

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now