CHAPTER 28: FLASHBACK/PAST

1.5K 63 0
                                    

THIRD PERSONS POV

>Flashback<

Simula nung sabihin ng mga Deam Geminae yung tungkol sa Yinshin, agad ng umalis sa campus at lumipad papuntang japan si Hirai. Hindi alam nila Shy na nagpunta si Hirai nang japan. Ayaw niya rin na mamoblema ito.

Yumuko ang dalaga biglang paggalang. "Heyy Lo, I already know." aniya nito.

"Good. Find the real mastermind of this."

Tumungo lang siya at agad na pumunta sa headquarter saka pinatawag si Klint para tulungan siya na itrack kung saan ang main headquarters ng mga Yinshin.

Hindi alam ng iba na sa tuwing aalis any dalaga ay lumilipad naman siya papuntang japan para asikasuhin ang mga plano na ginawa nito. And also most of the time hindi talaga nila na hindi si Hirai ang nakakasama nila kundi yung clone na ginawa nito at hindi nila alam yon.

Matagal ng alam ni Hirai na si Avriana Lynn ay si Hell Claix Princess pero nagpanggap lang ito para hindi makahalata at hindi mapansin ng kalaban iyon. Nung nakita niya yung gabi na kausap ni Alexei si Hell Claix princess. Tinawagan niya agad si Klint para maisagawa yung sunod na plano nito.

Nung gabing nabaril naman si Hirai ni Alex. Totoong nabaril niya talaga ito, kasama sa mga plano niya yun. Sa una nagtalo pa sila ni Klint ng sabihin ni Hirai ang tungkol duon dahil na rin sa napakarisk ng nasa isip nito pero in the end sumang ayon din si Klint. After nga mabaril si Hirai ay pinuntahan agad siya ni Klint para maisakay ito sa helicopter at dinala siya papuntang japan para duon magpagaling.

"Get well soon Hirai. Hindi pa tayo tapos sa plano natin."

Nung araw na naging okay na si Hirai ay kinuntsaba niya si Jessica about sa plano nito. Kunwari galit pa rin siya sa dalaga at gusto niya itong mapatay kaya sumanib siya kay Hell Claix Princess pero ang totoo palabas lang ang lahat ng iyon.

>Flashback Ends<

"Wala kayong kwenta!" galit na sinugod ni Hell Claix Princess si Hirai pero kahit anong sugod niya dito ay hindi niya ito matamaan.

"Masyado kang nabulag sa kapangyarihan na hindi naman nararapat sa'yo." malamig na sambit ng dalaga sa kan'ya. Tumigil saglit si Hell Claix Princess at tinitigan ito sa mga mata.

"WALA KANG ALAM SA NANGYARI KAYA WAG KA MAGSALITA!" sigaw nito.

"Oh, honey. I know everything." Hirai smirked.

— Past —

Dati palang yung Cleo at Yinshin ay talaga magkakampi na at magkasama. Emma Lynn (mama ni Avri) si Henry Lynna (Papa ni Avri) , si Frederick (Lolo ni Hirai), si Olive (mama ni hirai) at si Ralph (Papa ni hirai) ay dating magkakaibigan at magkakampi pa. Sila yung mga namumuno sa dalawang organisasyon noon. Pantay pantay ang bawat isa, walang mataas at wala ring mababa.

Nasa edad palang na 11 years old palang si Avriana sinasama na agad siya nang mama niya sa headquarter. Palagi pa nilang sinasabi noon sa bata na siya raw ang sususnod sa mamumuno nang Yinshin at Cleo.

"Palagi mong tandaan anak, ikaw ang hahawak nito balang araw." nakangiting sambit ng papa ni Avriana habang masayang tumungo ang bata.

Ang mag-asawang Hiroshima, si Elizebeth Miyazaki at si Harvey Kurata sila naman yung mga itinalaga bilang mga councils kapag may mga meetings na nagaganap sa loob ng underground.

Masaya pa ang mga bawat organisasyon noon hanggang isang araw bigla na lang nagkaroon ng galuhan.

Si Frederick Fujiwara na sinabi na hindi raw karapat dapat na pamunuan ang isang katulad ko dahil wala raw akong kakayahan na pamunuan ito. Sobrang nagalit sila papa nung araw na sabihin iyon ng lolo ni Hirai. Kaya nagplano sila papa na sumugod sa Cleo org at patayin si Frederick.

Sobrang laki ng gulo nu kaya lang dahil sa mga nangyaring laban sa pagitan ng Cleo at Yinshin ay nasaksak ni Elizabeth ang papa ko samantalang si Olive naman ang mama ko.

Dahil sa bata pa ako nuon hindi ko pa alam ang gagawin ko pinuntahan ko yung mga magulang ko na nakahandusay, lumapit ako sa kanila at umiyak ng umiyak. May isang bagay na sinabi sa'kin sila mama bago ito mawalan ng buhay.

" I—ikaw ang d—dapat n—na magmana" naghihingalong sambit ng mama ko habang nakatingin ito sa akin.

"A—anak... Ipaghiganti...M—mo... K—kami." huling sambiti nito hanggang sa tuluyan na silang binawian ng buhay.. Nung araw na naman ang mga magulang ko, isinumpa ko na sa sarili ko na papatayin ko silang lahat at ipaghihiganti ko ang mga magulang ko sa mga pumatay sa kanila.

Pinagisipan at pinagplanuhan ko ang lahat. Kaya naman inuna kong pinatay ang mag-asawang Hiroshima, hindi ko man napatay ang nag-iisang anak nila pero sinuguraduhin ko naman na mapapatay ko ito sa paglaki ng bata.

Si Elizabeth at Harvey naman ay pinakidnap ko at ipinapatay ko sa mga assasins na kilala ko tapos ay inutusan kong ipatapon sa Ilog para hindi na ito mahanap pang muli.

Hinuli ko talaga ay ang mag-asawang Fujiwara kasama ang lolo nito. Bata palang si Hirai nun, ang nagiisang taga pagmana ng Fujiwara. Nung mga panahon na yun sinugurado kong nandoon silang lahat sa headquarter bago ko isagaw ang huling plano ko. Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko lang naman silang lahat na nandoon, kaya naman agad kong pinapasok sa mga tauhan ko ang headquarter ng Fujiwara. Ipinapatay ko ang mag-asawa pero napakamalas lang dahil si Frederick na lolo ni Hirai ay wala duon sa headquarter kaya hindi ito namatay tapos samantalang ang batang Hirai naman ay nakaligtas din nang makalabas ito ng headquarter.

Hindi ko nahinabol pa ang dalawa at pinabayaan ko lang itong mabuhay dahil balang araw din ay mapapatay ko rin silang dalawa.

— Present Time —

"NGAYON SABIHIN MO SAKIN NA WALANG GINAWA ANG MGA MAGULANG MO!"

"Nadala ka ng galit at ngayon binabalikan mo kami dahil gusto mo kaming patayin. Sa tingin mo makukuha mo na yung gusto mo? HINDING HINDI MO MAKUKUHA IYON DAHIL HNDI KA NAMAN KARAPAT DAPAT NA MAMUNO!" sumabog na sa galit si Hirai habang sinasabi iyon.

Nakikinig lang mga tao sa loob habang ang dalawa ay galit na nagtitigan sa Isa't isa.

Hinugot ni Hell Claix Princess yung samurai na hawak nito at mabilis na inatake si Hirai pero tila parang hangit at parang kidla ang bilis nito sa paggalaw.

" Wala kang Kwenta.." malamig at bulong nito.

"TUMIGIL KA!" sigaw nito, patuloy lang sa pagsugod si Hell Claix Princess sa kan'ya, hanggang sa bigla na lang itong nawala sa harapan niya at Ito rin ang naging dahilan ng biglang pagbagsak ni Hell Claix Princess.

"Try to hurt one of them and I'll kill you twice and you will taste the Hell." malamig at pagbabanta nito kay Hell Claix Princess.

Maglalakad sana si Hirai papunta sa dereksyon ng mga kaybigan niya nang makarinig sila nang malakas na pagsabog.

Dahil sa pagyanig nakatakas si Hell Claix Princess at lumabas ito ng office, sinundan ni Hirai ito sa labas at hindi niya na pinakinggang ang mga tawag ng iba sa kan'ya.

Mabilis na tinulungan ng mga Cleo at si Klint na iaalis ang mga kadena sa paa at kamay nila Shy dahil malapit ng gumuho yung gusali na kung saan nandoon silang lahat.

"WE NEED TO HURRY UP! BAGO PA GUMUHO ANG GUSALING ITO." sigaw ni Klint sa kanilang lahat..Inalalayan ni Klint ang lolo nila na makatayo at makalakad, samantalang ang mga Phoenix Crest King naman ay tinutulungan ang magkambal at sila Shy na makatayo.

Hindi nakaligtas sa kanila ang mga ibang Yinshin na natira na sinusugod sila kaya kahit nanghihina ay nakipaglaban pa rin sila dito.

"Arghh." daing at napaluhod na nanghihina si Zyra at Shy.

"SHIT ZY!" nagmamadaling binuhat ni Zero si Zy kahit na marami rin itong sugat samantalang si Shy naman ay binuhat ni Cloud.

Alam nilang matatapos rin ang paghihirap na nararanasan nila ngayon kaya naman lahat ng lakas na natitira sa kanilang lahat ay ibinubos na nila.

---

Q_M

THE FOUR GANGSTER'S GIRLS  [COMPLETED]Where stories live. Discover now