V

18.5K 782 485
                                    

I get so weak in the knees I can hardly speak. I lost all control and something takes over me.

-Weak

Chapter 5 - WE MEET AGAIN


Imagination ko rin ba 'to?



"G-gwen."



Ang ganda ha, pati ako nawala sa wisyo. Muntik ko pang mabitiwan ang bag sa gulat dahil hiyang-hiya na tumibok ng malakas ang puso ko nang mahuli niya akong pinasadahan siya ng tingin. Sana lang talaga ay hindi ako nakanganga. I hate to admit na nawala ako sa katinuan and it has been long nang mapatitig ulit ako ng matagal sa isang babae ng ganito.



Masama bang humanga?!



Napaayos ako ng sarili at napaiwas ng tingin. Ngayon ko lang siya nakita. Bago ba siya? Nilagpasan ko siya ng walang imik. Alam niyo namang hindi ako friendly. Pero nagulat ako nang may maramdaman akong kakaibang connection at intense atmosphere nang dumaan ako sa kanya. Isang mabilis na pagbagal ng oras ang ipinagsawalang-bahala ko. Alam niyo yung sa mga palabas? Ah bahala kayong mag-isip.




Ano ba yun?




"G-wen, sandali."




Napahinto ako at mabilis na lumingon, kunot ang aking mga noo. Kilala niya ako? Nagtataka ko siyang tinignan. Whoa, this goddess knew my name. Overwhelming.




"Ah, kilala ba kita miss?" Mahinahon kong tanong kunwari hindi na flatter na kilala niya ako. Hindi naman siya pamilyar. Ang weird nga kasi parang kumikislap pa ang mga mata niya kanina nang makita ako. Not that I'm assuming. Obvious kaya!




Nagulat siya na lalong ikinakunot ng noo ko. Bigla rin kumunot ang noo niya. Isa ba siya sa mga kaklase ko noon na tinamaan ng puberty kaya ganito kaganda ngayon? Wow. Sana ako rin.




"S-sige, aalis na ako. Pupuntahan ko pa ang mga kaibigan ko." Wala na yata siyang balak sumagot kaya lumabas na ako.





Hindi ko naman talaga siya matandaan eh. Hmp.





"Are you kidding me?!" Narinig ko pa ang frustrated niyang pagsigaw. Hala. Si ateng, nabaliw.






Pero maganda siya ah.





Paulit-ulit, Gwen?!





Mabilis akong lumiko pagdating sa intersection. Nagmamadali na ako dahil baka makutusan pa ako ng kung sinumang anak ni satanas ang naghihintay sa akin. Tiyak naiirita na ang mga yun kahihintay sa akin. Pero malas talaga ako ngayong araw dahil nabunggo lang naman ako at itinulak pa ng kung sinong tampalasan. Napamura nalang ako sa isip-isip ko. Ang sakit ng pwet ko, iyak.






"Geez, Gwenie. I'm sorry!"






Nag-angat ako ng tingin. Napipilitang ngumiti si Samantha na siya lang naman sa malamang ang tumulak sa akin. Ganyan talaga siya. Nabunggo kana nga, itutulak ka pa nang hindi man lang kinikilala muna kung sino ang nakabangga. Nakakabwesit eh. Hanggang ngayon dragon pa rin ang ugali akala mo talaga hindi tumitiklop kay Skylie





"Namo!" Sinamaan ko siya ng tingin at saka inirapan na ikinatawa lang niya. Habang si Skylie and Rob naman...ayon nakatingin sa isang direksyon lang at yun ay kung saan ako galing. Sa likuran ko.





Tatayo na sana ako nang may biglang lumapit at hinawakan ako. Na-stun ako nang may maramdamang kakaiba. Is this a joke, Meralco?!






Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon