XIX

12.8K 570 769
                                    

Ako lang 'to: una sa lahat hindi ko alam kung paano aayusin 'tong pov ni Gwen Chloe at kung paano ko ba pagsasama-samahin yung scenarios from the throwbacks na mag-eexplain ng side ni Gwenie pero...ito na 'to. Itinodo ko na. Sana magets niyo at sana maging chill ang lahat sa sakit from last chap(ewan ko nalang talaga). Ideas ko pa 'to from last last week hahaha. Buti kumasya pa sa baol. Dapat two chapters 'to since umabot ng 6k words (the longest I've made❤️) pero nahirapan akong i-separate kaya bahala na lols. This is for y'all.

HAPPY PRIDE MONTH GIRLS AND GAYS AND GUYS🏳️‍🌈

======UNTILWEMEETAGAIN======




There are times in war
where you have to do
the wrong things
for the right reasons.

~ echo (The100)




Chapter - 19: Gwen's point of view




A day of heartbreak (Friday)





Nagulat ako nang mabungaran ko si Kiara sa labas ng office ng department namin habang nakasandal sa pader at may hawak na bouquet. Napatayo ito ng tuwid nang makita ako. Napabuntong-hininga na lamang ako. I guess, we really need to talk.





"Wife."





Wife pa rin?





Lumingon ako sa loob ng office. Nasa loob pa ang dalawa kong kapwa officers. Muli akong tumingin kay Kiara at naglakad palayo sa kinaroonan namin. Agad naman siyang sumunod. Huminto ako sa may fire exit, malapit sa may hagdanan nang masigurong wala nang makakarinig pa sa kung ano man pag-uusapan namin dito. Seryoso ko siyang hinarap. Hindi ako sanay na makita siyang ganito, nagsusumamo ang mga mata, tila ba may gusto siyang makuha sa'kin na hindi makamit.





Namulsa ako gamit ang kanang kamay sa jogging pants na suot ko at nagbaba ng tingin, "I'll listen. What do you want?"






"I want you," ganon kabilis ang naging sagot niya. Nag-angat ako ng tingin. Hindi nagbago ang facial expression ko. "I'm sorry. I'm really sorry. Ayaw kong magsinungaling sayo." Naglilikot ang mga matang sabi nito. Pansin ko ang pagpipigil nitong maluha. Sa tingin ko'y hindi niya rin makuha ang tamang sasabihin dahil para bang nag-aatubili itong magsalita. Nakatingin lang ako sa kanya pero pansin ko ang bawat maliliit na galaw na ginagawa niya dahil sa kaba. Maging ang paghigpit ng paghawak niya sa bulaklak ay hindi nakalusot sa sulok ng mga mata ko. "Ginawa ko yun kasi...nabulag na ako. I was so desperate to get your attention. Gusto ko kasing mapasakin ka."





I frowned. I don't know why but, I find her answer a little bit suspicious. Hindi yun ang sagot na inaasahan ko gayunman, wala naman akong inaasahang eksaktong sagot. Siguro'y makapagbigay lang siya ng kahit isang resonableng dahilan baka maunawaan ko pa. Subalit mas lalo lang akong nagduda sa sagot na nakuha ko.





"Kiara...you're attractive enough para makuha ang atensyon ko and everyone will agree. Everybody admire and likes you. Kaya nga naging crush kita dati di ba? Lying just to get my attention is absurd! And...I don't buy it."






"Y-you...don't believe me?" Nauutal na tanong nito. Bakas sa mata niya ang hindi pagsang-ayon sa sagot ko.






Umiling ako. "Why did you lie to me?" Tanong kong muli, pinipilit maging kalmado. Akala ko'y hindi na niya sasagutin ang tanong ko nang bigla itong magsalita.






Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon