XX

14.8K 560 556
                                    

Easy things aren't worth it.

~ControlZ





Chapter 20: Getting her back in the making






Skylie's Point of View







Napakamot ako ng kilay. Makailang beses na akong sumulsulyap sa phone kong nakapatong sa bag ko sa katabi kong upuan saka ko narealize na nakablock pala ang taong inaabangan kong magparamdam. Mas magagalit na sana ako. Nangalumbaba ako. Hindi ko pa rin siya papansinin kahit namimiss ko na siya. Sabihan ba naman akong isip-bata. Letche pala siya e, sinong di magseselos sa ginawa niyang pag-entertain sa mga outsider from other universities at kasama pa dun ang payatot niyang ex na nagpapapansin na naman sa kanya.








Selosa raw ako. Huh, kung selosa pala ako, eh ano nalang siya? Mas malala pa nga siya sa'kin. Nakakaimbyerna. Kapag siya ang nagseselos, siya galit at kapag ako naman ang nagselos, siya pa rin yung galit. Saan na ako lulugar?








Hindi ka pa galit sa lagay na yan, Skylie?







Nangalumbaba ako at itinuon na lamang ang pansin sa mga taong padaan-daan lang sa booth namin, at mas mabuti na yun dahil wala naman ako sa mood. Sunday ngayon at huling araw na ng event. Ngayon ko napiling magbantay rito sa mumunting booth namin dahil sigurado akong wala nang masyadong tao na dadayo rito unlike noong first day at kahapon kung saan si Roberto ang nandito. Ways ways lang ang kagaya kong tamad at walang interest sa mga ganitong bagay. Ang boring nitong ginagawa ko at ang lungkot pa dahil wala akong kasama. Si Roberto hindi matrack kung saang lupalop na naman nitong campus nakikipaglandian at hindi man lang nagmagandang loob na samahan ako rito. A good friend, indeed.








Napangiti ako nang mapansin ang babaeng papalapit sa kinaroroonan ko habang palinga-linga sa paligid. Sa wakas may makakausap na rin ako rito. Nakabusangot ang mukha niya at kahit malayo pa'y pansin kong namamaga ang kanyang mga  mata.







Umiyak ba 'tong timang na 'to?







"Nurse party," wala sa sariling basa niya sa banner nakalagay sa taas nitong booth. She scoffed.







"Ba't namamaga 'yang mata mo?" Kunot ang noong tanong ko. Malamya itong lumapit sa'kin. Sa halip na sumagot, kinuha niya ang bag at cellphone ko sa bakanteng upuan at walang modong binigay sa'kin. Nyetang babae 'to! Malalim na buntong hininga ang ginawa niya at parang tangang tumingin sa kawalan. "Anong ini-emote mo dyan? Anong masamang hangin ang nagtulak sayo rito?" Ang layo-layo ng pagitan ng Business Administration building sa Nursing building. Sabi niya pa dati, never siyang pupunta rito sa layo nito dahil kelangan mo pang magshuttle. And look, Gwen Chloe the great is here. Sarap kumanta ng...it can be a miracle~ kung nasa mood lang sana ako kaso hindi e, at mukhang wala rin siya sa hulog.







"Namiss lang kita, besh." Mahinang usal niya sabay sandal sa balikat ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa inaakto niya. Hindi siya pupunta rito kung wala lang at mas lalong hindi ito magd'drama ng ganito kung ayos lang siya. Hindi kami sanay ni Rob kapag ganito siya dahil wala naman talaga siyang sweetness sa katawan pagdating sa'min kaya nakakapagtaka. Ito yung tinitignan naming basehan para masabing may kinikimkim ito.







Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon