XXVI

30.3K 1K 1.2K
                                    


It takes much more courage to be in love.





Special chapter: Brand new start








Gwen's Chloe Point of View









"Sabi sayo e, mauuna pa ako." Pang-aasar ko kay Skylie na hindi naman natinag at binelatan lang ako.








I'm so happy for her, sa wakas ikakasal na rin siya. Ikakasal na rin siya sa first and last love niya. Ano, sana all? Solid na solid ang relasyon nila, superb ang pundasyon. Daig pa nila ang pader sa sobrang tatag. Akalain mong sila pa rin ni Monteclaro hanggang ngayon. And, just so you know, isang kilalang engineer na ngayon si Samantha habang itong kaibigan ko at si bakla mga ganap na nurse na rin sa ospital na pag-aari ni Winter Thales Lacson. Si Margo, may sariling business na at sa katunayan habang tumatagal ay lalo itong lumalago. Sobrang patay na patay sa beauty products at maging sa business iyon pa rin ang pinasok niya. Sila na nga rin pala ni Kiara. Hindi na nga niya ako tinatawag na darling dahil nagseselos sa'kin si ate mo Kiara hahaha. Si Gab, nasa bpo company siya ngayon at isa siya sa pinakamataas ang posisyon doon. Sadly, wala na sila ni Roberto. May kanya-kanyang lovelife na ang dalawa at mukhang masaya naman. Si Jervy? Nasa ibang bansa na siya ngayon para doon ipagpatuloy ang kanyang buhay. Ikinasal na kasi sila ng long time girlfriend niya. Miss na miss na namin siya. Masaya ako sa lahat dahil nasa dulo na kami ng tagumpay at masaya na sa buhay ang bawat isa.








Habang ako? Ito, in God's will, nagawa ko lahat ng mga plano ko noon palang bago pa ako makapagtapos. I made it as a goal and with hardwork, everything paid off. Getting a stable job and better life, get married at the age of 23, and last but not the least, live happy. Currently, ako muna ang nagm'manage ng maliit na kompanya namin na balak din ilipat ng parents ko sa pangalan ko since nag-iisang anak lang naman ako, wala nang magmamana pa. And, me and my wife are planning to merge our companies soon to handle it better. Two is better than one, ika nga.








Yes, you heard me, my wife. I got married at 23 as I promised to myself before. Our wedding was last year and was held in France. Iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko na hinding-hindi ko maipagpapalit sa kung ano mang bagay. Ang laki na ng nagbago simula nang dumating siya sa buhay ko at ang pagstay niya sa'kin sa kabila ng mga pagsubok ang mas nagpapalalim ng pagmamahal ko sakanya. She's the only future I always want to happen and I always want to have.








Napangiti ako nang makita ko siyang nakikipagkwentuhan kay Margo at Kiara na nadadalas ang pagsleep over dito sa bahay dahil wala pa kaming maids at gusto ng parents namin na may makasama muna kami. Pasimple akong lumapit sa kanila hanggang sa marinig ko itong humikbi na at maging si Margo ay naluluha na rin. May kinukwento na naman pala itong si Kiara na who knows kung saan niya napulot.








"True story ba 'yan, babe?" Sumisinghot na tanong ni Margo sa girlfriend. Natatawa namang tumango ang isa.








"Kinda," pagkibit-balikat niya.









"Anong kinda? Ang hilig mong magsulat ng sad story, babe! Lahat nalang ng sinusulat mo walang happy ending. Hindi ka ba masaya sa buhay?" Asik ni Margo na ikinatawa ko.








"Babe, that's not a sad story. Naging sila ng secretary niya dahil nandun siya noong kelangan niya ng karamay."








Napatingin ako sa asawa ko na mas lumalakas ang pag-iyak kaya lumapit na ako at niyakap siya mula sa likod. Sinamaan ko ng tingin si Kiara na natatawa habang yakap din ang kasintahan na pinagpapalo siya.








Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon