XIII

14.3K 691 457
                                    


Sometimes what we crave is what we can't have.

-Mckendall









Chapter 13 - uncut scene of LWH







A/n: Hey, beautiful people! Hahaha nagdadalawang isip pa akong i-publish to, dahil ayaw kong masaktan kayo ngayong pasko hahaha. Anyways, thank you for being with me again this year. Advance Merry Christmas and Advance Happy New year. Let's be more better in 2020. God bless and I love you♥️









Skylie's Point of View







"Pumunta ka dun kanina?" Tanong ko kay Rob patukoy kay Akiazha. Hindi na ako nagbanggit ng pangalan dahil kasama namin ngayon si Gwen, lunch dito sa cafeteria.









Hindi naman sa ayaw naming ipaalam sa kanya pero yun ang gusto mismo ni Kai, ang h'wag malaman ni Gwen na nasa ospital ito. Hindi dahil ayaw niyang mag-alala ito kundi dahil ayaw niyang malaman na wala itong pakialam sa kanya at hindi man lang nag-alala.










"Yes. Bukas pa ang labas niya."










Tumango ako. Bumisita rin kami ng girlfriend ko kahapon. Magaling na siya. Apat na araw siyang pinag-stay sa ospital at pang-lima na nga bukas.












Nung araw na yun nang isugod namin si Akaizha sa ospital? Rob and I were deeply agitated. Nakahinga lang kami ng maluwag nang malaman namin na maayos na siya that time na nakauwi na kami galing sa ospital dahil tinawagan kami ng parents niya. A lot of thanks to God dahil nakita namin siya. Oras nalang pala ang pagitan kundi hindi na sana siya aabot pa sa ospital, at naiyak ako nang nalaman namin yun. What if hindi naisipan ni Rob na dumaan dun? May iba kayang makakakita sa kanya? May iba pa kayang tutulong sa kanya? Kaya pala hindi magkandaugaga sa kaba ang puso ko nun. Hindi kami nakatulog ng maayos ni Rob kinagabihan at pareho rin kaming lutang sa klase kinaumagahan. Maging si Sam na di dapat uuwi noong mga oras na iyon, napasugod sa bagyo sa sobrang pag-aalala dahil critical ang lagay ni Akaizha sa halos loob ng isang oras. Buti nalang nakarecover din ito agad. Natutuwa rin kaming malaman na wala naman pala siyang tinatagong karamdaman. Nagkataon lang na sobrang pagod pala nito, walang tulog, at may migraine pa nung mga oras na yun. Ang malala nagpaulan pa.











Napatingin ako kay Gwen. Nakaharap ito sa laptop niya habang kumakain. I was just thinking, hindi man lang ba siya nagtataka na ilang araw nang hindi pumapasok si Kai? Hindi man lang ba siya magtatanong kung saan ito? Kung bakit hindi pa rin pumapasok? Nakakainis isipin na wala talaga siyang pakialam. Alam kong nadadala lang siya ng pride niya. Kahit papaano naniniwala pa rin ako that she still cares for her. Kung hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman niya sa kanya, alam kong bibigyan niya ng magandang rason tungkol doon si Akaizha. Pero ang nakakainis lang sa part niya ay kung bakit kelangan niya pang iwasan ang tao? Akala niya ba hindi namin napapansin na nadadalas na ang pag-uusap nila ni Kiara?











Ano ba talagang plano mo Gwen?












"Bakit ganyan ang mukha mo, besh?" Tanong ni Rob sa kanya. Kanina ko pa nga rin napapansin na kahit busy siya sa pagkain at ginagawa sa laptop, mas kapansin-pansin parin na wala siyang gana. Tila nililibang nga lang nito ang sarili niya. "Wala kang tulog 'no? Para kang bangag dyan."












Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon