XVIII

12.5K 615 852
                                    

If I hadn't gotten my hopes up,
I never would've gotten hurt.

~Netflix(source)





Chapter 18: Me, you, us.






Akaizha's Point of View







Matunog na paghinga ang pinakawalan ko nang makitang umuulan na sa labas. Day 3 na ng University week pero itong internship pa rin ang pinagkakaabalahan namin ng nga kasama ko. Sa Friday pa kami pwedeng bumalik sa paaralan. Hindi ko alam kung matutuwa akong tinanggap ko pa ito o malulungkot dahil hindi ko magawa ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin. Kung dati lagi akong nakakababad sa cell phone, ngayon halos hindi ko na mahawakan dahil may mga responsibility ako sa napiling kompanya para sa'kin. Luckily, it's my ninong's company naman pero ayaw ko namang mapahiya lalo na ang parents ko. I should act upon what's necessary. I should be responsible sa kung anong trabaho ang binigay sa'kin. Well-trained na rin naman ako sa company na pag-aari namin sa Texas pero iba ang ginagawa ko as an intern right now. May mga gawain akong bago sa'kin pero kahit papaano'y lahat ng tasks ko nagagawa ko ng walang kahirap-hirap. Sanay na sanay na ako sa mga pasikot-sikot. After all, sa business pa rin naman ang bagsak ko.







I sighed hopelessly. Kinuha ko ang Coffee shake ko and took a sip, walang gana ko rin itong inilapag ulit. Tatlong araw na akong hindi nagpaparamdam kay Gwen through calls and text. Para akong tangang nagtatampo as if may susuyo, as if may pakialam siya. Gayunpaman, kahit ano pa sigurong maramdaman ko, pagmamahal ko pa rin sakanya ang mangingibabaw. Masyado ko siyang mahal para balewalain. Miss na miss ko na siya. Natitiis ko man siyang hindi i-text, sinisiguro ko namang naaalagaan ko siya kahit hindi ko siya nakikita at hindi kami magkasama. Alam kong mas pagod pa iyon kaysa sa'kin. Two weeks na siyang puro seminars and meetings lang ang inaatupag, sobrang busy niya na maging sa sarili niya'y wala na siyang oras. At ayaw na ayaw kong nakikita na pinapabayaan niya ang sarili niya. Alam kong mas magiging nakakapagod sa kanya ang week na ito kaya minabuti kong maging konektado pa rin sa kanya kahit medyo iniiwasan ko siya. I asked her friends na bantayan at alagaan siya kahit simpleng pagremind lang na kumain ito, magpahinga kahit ilang minuto, at higit sa lahat h'wag mag-isip masyado. Kilala ko si Gwen, masyado siyang focus sa mga ganitong bagay. Kung pagiging responsible lang naman ang pag-uusapan, hindi na siya ang dating Gwen Chloe na Vice-president ng Harrison College na iniisip ng ibang palakad-lakad lang at walang ginagawa. Mas engrossed na siya at mas focus as a leader. She won't choose the same place kung hindi niya naman gusto ang ginagawa, hindi ba? Nakakabilib lang na muli niyang pinili ang magsilbi sa kapwa niya estudyante. I adore her so much for this craft. She's the role model that every student needs.







Inabot ko ang Coffee shake ko. I scan my phone contacts while sipping my favorite drink. Pinaglaruan ko ang straw sa bibig ko. Nakakatawa lang na ilang araw na akong umaasa na sana maisipan niyang i-text ako para tanungin man lang kung bakit hindi na ako nagpaparamdam o kung kumusta ba ang araw ko. With those thoughts, ano nga ba ang pakiramdam ng pinapahalagahan? Anong pakiramdam ng priority ka? At higit sa lahat, anong pakiramdam ng may taong takot kang mawala?






Muli akong tumingin sa labas nitong coffee shop. Ito ang pinakamalapit na pwede kong puntahan at lakarin mula sa parking area ng conpany ni ninong. Naisipan ko lang dumaan dito nang matapos ang shift ko dahil kelangan ko nga siguro ng tahimik na lugar para magmuni-muni. Masyado akong naging occupied kanina sa trabaho. Hindi ko na halos malaman kung sa trabaho pa ba ang atensyon at focus ko o sa ibang bagay na. Mabuti nalang hindi naman ako nawala sa wisyo kundi baka pati ginagawa ko'y naapektuhan.








Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon