XXV

16.2K 613 932
                                    


Love is being willing to ruin your good painting for the chance of a great one.

~Ellie from the Half of it








Chapter 25 - Until the end








Napatalukbong ako ng kumot nang marinig ang seremonyas ni mama sa hindi ko pag-ubos ng sabaw na hinanda niya sa'kin. Dalawang araw na akong may sakit, nagkatrangkaso ako nang pairalin ko na naman ang katigasan ng ulo ko ayon pa kay mama at baboo. Sinundo ko lang naman siya sa school noong araw na malakas ang ulan. Nag-alala lang naman ako sa kanya kaya hindi ko na pinigilan ang sarili kong puntahan siya kahit bumabagyo na. Sa kagustuhan kong masigurong ligtas siyang makakauwi, ako pala 'tong mahina ang resistensyang parang isang dekadang hindi naulanan.











Hinang-hina ang katawan ko, ultimo bumangon hindi ko magawa. Sobrang sakit din ng ulo ko. Bukod sa wala na nga akong panlasa, naglalaway pa ako dahil sa nalalasahan kong mapait. Aso lang? Buong araw akong nakahilata lang. Kahit ang makipag-usap kay baboo sa phone hindi ko magawa ng maayos. Wala rin akong lakas magtext. Ganito ako magkasakit. Once in a year or two pero sobrang malala naman. Daig ko pa ang may cancer. Kahapon nandito ang baby ko para alagaan ako pero dahil may pasok siya ngayon...hindi ko alam kung dadalawin niya pa rin ako. Hindi pa siya nagt'text na mas ikinalulungkot ko. Walang good morning text o hindi man lang sinabi kung papasok ba siya, kung gising na ba siya? Kung mahal niya pa rin ba ako? Kasi ako mahal ko pa rin siya.










Corny mo!










Mahal ko naman talaga eh. Mahal na mahal ko!










Corny mo times two!













"Nilalagnat ka pa ba? Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni mama nang mapansin akong pababa ng hagdan. Kagigising ko lang at medyo magaan na kahit papaano ang pakiramdam ko except to the fact na nalulungkot talaga ako. Tumayo si mama mula sa sofa at sinalubong ako, sinipat-sipat niya ako sa noo at leeg maging sa pisngi. Baby na baby ako rito eh. "Ba't parang natalo sa lotto 'yang mukha mo? Kumain kana dun. Kaninang umaga ang sabi ko sumubo kahit tatlong kutsara man lang aba't parang hindi mo man lang ginalaw." At binalik na naman niya ang nangyari kaninang umaga at nagseremonyas na naman.










Umupo ako sa sofa malapit kay dad na ngayon ay medyo natatawa. "Unlimited, ano?" Tukoy niya kay mama na bumubunganga pa rin kesyo 'paano ka gagaling kung matigas pa sa bato 'yang ulo mo?' o di kaya'y 'daig ka pa ng mga bata. Sila ang dali-daling painumin ng gamot, walang reklamo pero ikaw, hay nako!' Mga ganyang linyahan ni mama. Every mother is a mood.












Sumandal ako at inihilig ang ulo kong kumikirot pa rin. Huhu, ayaw ko talagang nagkakasakit ako. Feeling ko lagi, katapusan ko na. Pumikit ako at hindi nalang pinansin si mama na sinisita na ni daddy dahil naiirita na rin siya sa paulit-ulit nitong sinasabi. Gusto kong matawa dahil mag-aaway na sila dahil sa'kin.











Suddenly, I miss her. I always miss her. Siya lang yata 'tong hindi ako namiss dahil hindi na ako naalalang i-text o kumustahin man lang magmula pa kaninang umaga. Alas kwatro na ng hapon ngayon, ano na kayang ginagawa niya? Alam kong nasa school pa siya dahil ngayon ilalabas ang overall result ng evaluation nila. Gagabihin na naman kaya siya? Ang dami ko nang text sakanya pero ni isa wala pa siyang nirereplyan. Yung lungkot at pagtatampo ko napapalitan na ng pag-aalala, at baka may magtulak na naman sa suwail kong pagkatao na puntahan siya. Gulo na naman. Ililibing na talaga ako ng buhay ni mama at malamang...magagalit din si baboo dahil posibleng iisipin nun na pinag-aalala ko siya lalo ngayong may sakit ako.











Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon