CHAPTER 2: Wild Dreams

518 23 8
                                    

March 28, 1986

Pakiramdam ko isa akong gagamba na nakakulong sa isang balong madilim. Kahit anong gawin ko, hindi ako makaakyat, hindi ako makaalis sa kinaroroonan ko.

Masaya at nagdiriwang ang mga tao dahil sa pagbubunga ng People Power Revolution at pagproklama ni Pangulong Corazon Aquino sa Freedom Constitution, ngunit heto ako, tulala at mugto na ang mga mata kakaiyak. Paanong ng masayang samahan namin ni Jun ay nauwi sa hiwalayan? Patuloy kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng sabihan niya akong mag-usap kami. Dalawang taon na rin kaming magkasintahan at malakas ang pakiramdam ko na mag-aalok na siya ng kasal sa akin. Bata pa ako sa edad na bente-uno ngunit sigurado akong si Jun ang itinakda para sa akin. Mas matanda siya ng limang taon sa akin.

Nakilala ko si Jun minsang nagpa-pack kami ng pagkain at tubig na ipapadala sa mga nasalanta ng Bagyong Nitang na kumitil ng ilang libong tao noong Agosto 1984 sa ilang parte ng Visayas. Mabait siya at matulungin. Mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko nakalutang lang ako sa alapaap.

Ngunit masakit pala ang bumagsak, lalo na kung walang sasalo sa'yo. Akala ko si Jun na ang sagot sa aking mga dasal. Pero bakit ganoon? Lahat ng mga taong minahal ko, sa huli iniwan at tinalikuran ako?

Winasak niya ang buong pagkatao ko sa tatlong salita. Hindi ko matanggap ang pagkasabi ni Jun ng "Hindi ko matanggap." Gaya ng aking ama, hindi rin pala matanggap ni Jun ang sumpang nakaakibat sa buhay niya. Na noong nagpasya akong ipagtapat ang aking lihim, nagdesisyon siyang manamlay at magkimkim. Pinalaya ko siya at nakulong ang sakit. Hindi ko alam kung kailan maghihilom ang pusong patuloy na nagmamahal kay Jun. Kahit ang sakit-sakit na, parang alon ito na pabalik-balik at patuloy na magmamahal.

Napagpasyahan kong umalis ng Pilipinas at tanggapin ang scholarship na inaalok sa akin sa Japan sa susunod na linggo. Sa pag-alis ko, sana matanggal ang sakit at hinanakit sa aking puso. Sana makaakyat pa ang gagamba mula sa balong madilim.

Talaan ng Pagbisita

Prency, 21

"MADILIM. 'WAG ka na kasing umakyat, 'Pa."

"Hindi ako lumpo, mas magkakasakit ako kapag walang ginagawa," anang kanyang amang si Harold sa kabilang linya.

"Puwede mo naman kasing hintayin si Uncle Simon para maglagay ng ilaw sa storage room." Tukoy niya sa kasama nito sa apartment nito sa Japan.

"Baka bukas pa iyon makakauwi at may lakad daw siya. Maiba ako, kumusta ang OJT mo?"

"Maayos naman, 'Pa. Dalawang linggo na lang matatapos na sa wakas," sagot niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. She felt relieved freeing her feet.

"'Yong mga requirement mo sa school? 'Yong narrative report mo?"

"Madali na lang iyon, Pa."

"Anak, 'y-yong... 'yong tungkol sa graduation mo sa Abril, minsan lang mangyari sa buhay mo iyon. Puwede namang after graduation mo ikaw lumuwas dito," saad nito.

"Pa, nakapagpaalam na po ako sa school. Saka graduation lang iyon, 'Pa. Mas importanteng makaluwas ako riyan para sa operasyon mo. Dalawang linggo na lang nandiyan na ako," sagot niya.

"I just feel guilty, Anak. Ang dami mong sinakripisyo para... p-para sa akin, p-para sa pamilya natin," anitong naiiyak.

Her heart was aching, as if someone was stabbing it with needles. "'Pa, 'walang halaga ang graduation ko kung hindi ka okay. Wala iyong kuwenta kung hindi ikaw ang magmartsa sa akin sa stage."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now