CHAPTER 21: Ang Simula ng Wakas

245 14 2
                                    

October 14, 2017


Ito na ang simula ng wakas.

Isasara ko na ang pahina, at buburahin ang mga bakas.

Mga bakas na inimprenta ng sumpa at takot.

Isasara ko na, dahil nahanap ko na ang sagot.

Hindi na ako maglalakbay sa nakaraan,

Lilimutin, ibabaon ang kahapon at talaan.

Maglalakbay ako palayo sa iyo.

Hanggang sa matanaw ko siya sa layo.

Hanggang sa makita ang akalang hindi na mahahanap.

Hanggang sa mayakap ko ang alapaap.

Tatalon ako, ngingiti at sasayaw

para sa mga bukas na ninakaw.

Muli akong mananaginip pero may ngiti at tuwa.

Dahil kasama ito sa awit ng mga ibon, sayaw ng mga alon, para sa aming dalawa.

Muli akong maniniwala sa mundong binuo niya namin

Dahil sa dulo noon, may kamay na nakaabot sa akin.

Ito na ang simula ng wakas.


Huling tala sa Talaan ng Pagbisita

Donna, 28


"I D-DREAMT of you dying, Drew!" she ruptured brokenly.

Donna had it enough. Pinalaya niya ang sakit at hinanakit sa lalaki. "Noong nasa Sagada tayo, napanaginipan ko na may mangyayari sa 'yong masama. It was so real I can still feel the pain, Drew. At kailangan kong lumaya para mailigtas ka. Mahal kita at iyon lang ang alam kong paraan para magawa iyon."

"Nilabanan ko, Drew. Sabi ko, hangga't nasa iyo ang coin, walang mangyayaring masama sa'yo. Then, it makes sense yong muntikan kang masagasahan sa Leyte, noong natumba ka sa jet ski noong nasa Puerto Azul tayo. My dream is sending me a message. We cannot cheat death, Drew. Iniligtas kita at kailangang may kapalit iyon. Nilalagay sa ibang panig ng mundo ang kalungkutan para maging masaya ang isang panig. We cannot have the best of both worlds. Ganoon umiikot ang mundo, Drew. Iyon ang kalakaran nito. Kaya kahit ang sakit, kahit parang mamamatay ako sa sakit, I endured, kasi mahal na mahal kita."

"You should have told me," he said, drained and pained.

"Paano? 'Drew, napanaginipan ko na mamatay ka.' Just thinking of you dying makes me so sick, Drew."

"Para mo na rin akong pinatay sa ginawa mo."

"I know, and I am so sorry," aniya at umiiyak na hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Walong taon. Walong taon ako noong makita kong nakahandusay ang Mama ko sa sahig, walang buhay. I saw her die. And then I saw my father die right in front of my eyes, Drew. Nasaksihan ko ang pagkamatay nila. At sumama sa kanila ang puso kong namatay. Pero dumating ka, hinanap mo ako, at nahanap ka ng puso ko. Muling nabuhay ang puso ko. Narinig kong muli ang munting tinig na meron ako. K-kaya, paanong hindi ko ililigtas ang taong mahal ko at nagmahal sa akin ng tunay at wagas? Paano, Drew? Mas gugustuhin ko pang makita ka na masaya sa piling ng iba. H-hindi ko kayang makita kang wala ng buhay Drew. Hindi ko kaya. H-hindi ko na kakayanin pang may mawala ulit na mahal ko sa buhay."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now