CHAPTER 16: Ang Huling Sayaw

118 13 5
                                    

August 11, 2011

Dear Donna,

Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ako nabigyan ng pangalawang pagkakataon habang ang iba ay hindi. I feel like there's this debt that I must pay. And I don't know where I belong, Donna.

Siguro kailangan kong tuklasin iyon. Tama na ang pagmumukmok at paglalasing.

Siguro kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Baka kapag nangyari iyon, magkukrus na ang landas natin.

Drew


LAST DESTINATION. Puerto Azul.

May yacht na sumundo sa kanila sa La Union kung saan sila tumuloy pagkatapos nilang akyatin ang Mt. Ulap. Nakasandal ang ulo ni Drew sa kanyang balikat habang nakatingin naman siya sa dagat. Magkahawak sila ng kamay at nakahiga sa isang reclining chair.

Bilib siya sa naipundar ng lalaki. Maluwang ang yacht at state of the art ang mga kagamitan na makikita sa loob. They could practically live in his luxurious yacht for a month.

At higit sa lahat, personal yacht nito iyon na may pangalang Sakura.

Mula South China Sea, babiyahe sila papuntang Philippine Sea. It took them two days to reach their destination. Sa nagdaang araw, wala silang ibang ginawa kundi, matawanan at magyakapan.

Nang dumaong na ang yacht sa Port of Moon, agad na lumabas si Donna sa cabin niya at napanganga sa tanawin na natuklasan. Pakiramdam niya nasa ibang bansa sa ganda ng isla. Likod iyon ng Puerto Azul at natatanaw ni Donna ang mga villa sa taas ng bundok. Para siyang nasa Greece o Italy!

Sinalubong sila nila Paul at KM, ang may-ari ng Puerto Azul sa Maconacon, Isabela. Mga kaibigan ito ni Drew.

"Sa ilang taong pagkakaibigan namin ni Drew, ngayon lang siya may ipinakilalang babae sa amin," nakangiting saad ni Paul.

"Aba, required pala si Drew na magpakilala ng babae sa inyo?" magiliw na kontra ni KM, halatang masiyahan itong babae.

"Siyempre, brotherhood, asawa ko," ani Paul at inakbayan ang asawa.

Kapag normal siguro diskusyon iyon na maririnig ni Donna, she'll cringe hearing the endearment. But not with these two, they were adorable. Parang silang love team sa pelikula na nakakakilig.

Sumakay sila sa isang golf cart papunta sa Angela's Kitchen, ang restaurant sa loob ng isla, para sa kanilang lunch. Purong pagkaing Ilokano ang isineserve doon. Ngayon lang natikman ni Donna ang ibang luto. She made a mental note to ask the chef about the food.

Maghapon din silang naglunoy sa napakagandang dagat ng Puerto Azul. Puti at pino ang buhangin ng isla. It was magnificent. A paradise. She will never forget this place.

Nagkaroon lang ng komosyon nang mitumba ang sinasakyang jet ski ni Drew. Naiiyak siya sa kaba pero tumatawa lang ito at si Paul habang papunta sa kanila.

She will never forget him. May sakit na kumudlit sa puso niya habang tinitignan si Drew.

Sabay nilang pinagmasdan ang paglubog ng araw. Sinakop ng araw ang buong isla at ang atensiyon ng paraiso ay narito lamang at walang kaagaw.

Naghanda si Drew ng candlelit dinner para sa kanilang dalawa. Nagkalat ang mga talulot ng rosas sa paligid, patay ang mga ilaw at tanging kandila lamang ang nagsilbing tanglaw nila sa isa't isa. Gayunpaman, hindi naging hadlang iyon para titigan ni Donna si Drew.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now