CHAPTER 10: Munting Salo-salo

193 12 13
                                    

December 25, 2009

Dear Donna,

Merry Christmas!

There are so many things in my mind I want to tell you but I don't know where to start. Should I begin by saying how much I missed you, Donna? Every time I close my eyes, I see your face, I see your hair, I see your eyes looking over the horizon.

I am good at pretending, Donna. Mukhang forte ko ang pagpe-pretend. Kaya kong magpanggap sa harap ng pamilya ko na okay ako – technically I am okay and happy being with them. Kung may isang bagay na magandang naidulot ng nangyari sa akin, iyon ay ang maging open sa pamilya ko, Donna. Sabi nga ng mga magulang ko, kung ano raw ang gusto ko sa buhay, susuportahan nila ako. Kung ano ang gusto naming tatlo, sundin daw namin. I will still finish my studies. Sana by March o April 2010, graduate ako rito sa College of Engineering. Para kapag naipasa ko na ang board exam, gusto kong magtrabaho na may kinalaman sa dagat o kaya gusto kong maging card dealer sa isang casino.

Gusto ko sanang maging PBA player pero mukhang imposible na dahil sa aksidente, hindi magawang magfocus ng mga kamay ko. Siguro ibibigay ko na lang iyon kay Antonio. Hindi naman puwedeng ganito na nga ako kagwapo, mapunta pa sa akin lahat ng talento, 'di ba? (Kindat)

Magaling akong magpanggap sa mga tao, Donna. Kaya kong magpanggap na masaya sa harapan nila, ngumiti na parang walang nabago sa akin, kaya kong makisama sa mga barkada ko na ako pa rin ang dati. Pero kapag mag-isa na ako, doon pumapasok ang realization na, niloloko ko ang sarili ko. Kapag mag-isa na ako, pumupunta ako sa mundong ginawa ko. Mundo kung saan meron ka. Nakikita ko at nahahaplos ang pisngi mo.

Ganito ba ang ginagawa mo kapag nakatingin ka sa malayo? Gumagawa ka rin ba ng sarili mong mundo, Donna? Gumagawa ka rin ba ng sarili mong mundo para punan ang sakit at hungkag sa puso mo na parang may nawawala, may kulang?

Ang tanda-tanda ko na, pero kanina nagsabit ako ng mga medyas sa bintana ko nagbabasakali na bigyan ako ng regalo ni Santa Claus, o kaya pakinggan niya ang aking hiling.

Sana magkatotoo ang mundong binuo ko sa aking isip.

Now Playing: Sana Ngayong Pasko by Ariel Rivera

Gumagawa ng Mundo Natin,

Drew


"PASENSIYA KA na, Miss Jowanamarie," hinging paumanhin ni Donna.

"No. It's okay, Ma'am. I can still wait you here in the office. I send you the address, Ma'am. Did you receive it?"

"Oh, yeah! I'll be there in thirty minutes. Pasensiya ka na ulit ha?"

Alas-otso ang usapan nila ng real estate agent para sa pagbili niya ng lupa sa Golden City Subdivision pero nagising siya ng alas-nuwebe. Nagising siya sa tawag ng agent na nakailang missed call at text na sa kanya.

Nagmamadali siyang naligo at ititutok ang dutsa para mahimasmasan ang diwa niyang inaantok.

Madaling araw na siyang dinalaw ng antok dahil hindi mawala sa isip niya ang pagkikita nila ni Drew. Ilang oras siyang nakatitig sa kisame dahil sariwa pa sa isip niya ang mga halik at yakap ng binata. At nahihiya siya sa inasta niya. Gusto niyang wag isipin ang inasal niya kagabi ngunit nagsalimbayan iyon sa kanyang isip...

Nag-angat ng titig si Donna para tignan kung totoo ang nangyayari sa kanya, kung totoong si Drew ang kanyang nasa harapan. Hinawakan ulit nito ang kanyang pisngi.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon