CHAPTER 5: Breaking Traditions

266 19 12
                                    

April 19, 2006

Kanina sinabi ng Papa na kinukuha ulit siya ng kampanyang pinagtrabahuan niya sa Japan. May galak sa mga mata niya habang sinasabi niya sa akin iyon. Doon nagkakilala ang aking mga magulang.

Kahit masakit sa akin pumayog ako. Pero sabi niya, baka hindi niya tatanggapin dahil ayaw niya akong iwan.

Ang sabi ko sa kanya, kailangang mapag-isa ang isang tao para mahanap nito ang sarili.

Naiyak ang Papa. Paanong sa mura edad ganoon na raw ang pananaw ko.

Pabiro kong sinabi sa kanya na nakuha ko iyon sa paborito namin palabas gabi-gabi na Gulong ng Palad na may pamosong linya na, 'Magbago man ang iyong Kapalaran, Pag-ibig mo ba'y Walang Hanggan?'

Pero iniisip ko rin kung kailan ko sinimulang palayain ang mga tao sa paligid ko. Siguro simula noong kinatakutan o iniwasan ako sa camping. Napagod na akong kuwestiyonin ang kapalaran ko, napagod na akong manisi.

Matagal ko ng tinanggap ang tadhana na nakalaan sa akin.

Talaan ng Pagbisita

Donna, 17

ISANG MAHABANG pagsagap ng hangin ang nagpakawala kay Donna sa kanyang Pagbisita. Nanghihina siya at nanginginig ang buong kalamnan ni Donna. Ramdam pa rin niya ang sakit mula sa banggaan ng kotse.

Kinuha ni Donna ang lalagyan niya ng tubig at parang isang dekada siyang na nasa desyerto na uhaw na uhaw sa tubig. She was processing what she had just experienced.

Ang iginuhit na falcon. At ang mukhang nabungaran siya sa salamin.

"Madalas niyang sabihin sa akin na ang mga ibon daw ang kaluluwa na hindi maiwan-iwanan ang mundo dahil misyon pa sila. Kaya sila ginawang ibon para mas makita nila ang mundo, mahanap ang misyon na minimithi nila."

Hindi para sa kanya ang pangitain na nangyayari sa kanya.

"'Wag ganoon. Gusto ko sincere. Thank you, Alejandro. Malumanay at sweet. Ganoon dapat. Ulitin mo."

Ang nakangiti at pilyong mukha nito ang nagsasalimbayan sa isipan ni Donna.

She was gasping for air. Hindi niya matanggap na para kay Alejandro ang pangitain na nakita niya. She was dreaming that accident for almost 15 years. She was preparing for it. She was sure that that accident was meant for her. Why the sudden change?

How could she handle this intervention of the universe? Why him?

Mabilis na kinuha ni Donna ang baryang pilak. "Bakit siya? Ano'ng gagawin ko, 'Nay?" naiiyak niyang kausap sa pilak.

Tinignan ni Donna ang orasan. Pupuntahan siya ni Jas sa bahay ng alas sinco ng hapon para sabay silang umuwi. May isang oras pa siya.

She inhaled and courage took over. Mabilis niyang isinuot ang sapatos at patakbong lumabas ng bahay. Mabilis siya tumakbo, tila hindi nakakaramdam ng pagod sa adrenaline na meron siya.

She needed to save him.

I NEED to see you.

Hindi mapakali si Alejandro. Kanina pa niya tinitignan ang text message na iyon galing kay Marga. May pagkagalak at pag-asa iyang nadama. Hindi niya alam ang isasagot sa mensahe ng kanyang ex-girlfriend.

"Bakit 'di ka pa bihis, Kuya? Tara na raw sabi ni Mama."

Bumungad ang bunsong kapatid niya na si Antonio at nawaglit sa isip niya si Marga.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now