CHAPTER 18: Ang Huling Takbo

108 12 4
                                    

Dear Alejandro,

Hindi ko matatangap ang iniaalay mong pag-ibig.

Hindi ko intensiyon na saktan ka o anoman, pero mukhang iba ang pagtanggap mo sa pagsama mo sa akin na maglakbay sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.

Wala akong intensiyon na pakasalan ka. May oportunidad na kumatok sa akin na i-manage ang isang sikat na hotel sa ibang bansa.

Patawarin mo sana ako.

Donna


THE THING with life when it embraced misery – it never ceased from torturing you. It will invade your body, then your soul... even in your dreams...

It was a collective dream. Parang ang kanyang buhay ay pinilas sa mga pahina ng libro, nagkaroon ng buhay at inuusig ang kanyang konsensiya. At wala siyang magawa dahil para siyang nakagapos sa poste, nakagapos siya sa lamat ng nakaraan.

Her mother was crying. "Magtiwala ka sa pangarap na puwede mong abutin. Isang araw magninilaw ka, na ang mga maliliit na bagay na mga ito ang makakapagpabigay ng ngiti sa labi mo. Hindi ka puwedeng makulong sa isang buhay na idinikta sa'yo."

Her vision went black and she was confronted by his father, wearing his sad expression. "Ipangako mo sa akin, Donna. Ipangako mong palalayain mo ang sarili mo sa mga sakit at takot diyan sa puso mo. Hanapin mo ang kaligayahan mo. Maging masaya ka, anak. Sumubok kang magmahal."

I keep my promise, 'Pa. I tried. Naging masaya ako. Nagmahal at matuloy na nagmamahal.

Then she faced an old woman, she looked like her grandmother. She was shouting, "Lumihis ka ng landas! Lumihis ka ng landas!"

"'Wag mong sundin ang ginawa ng mga magulang mo. Kapag hindi ka nag-ingat, kapag hindi ka nakahanap ng paraan para harapin ito, magkukumuwala ang mga galit at hinanakit. Ang isang bagay na gagawin mo paulit-ulit ay ang pagwasak sa iyong sarili!" sigaw iyon sa kanya ng manghuhula.

Bakit meron ka sa panaginip ko? Mali ba na sa simula pa lang, sumama at minahal ko si Drew? Ako ang nagtulak sa kanya sa kapalaran na meron siya? Mali ba ako? ganting sigaw niya sa isipan niya, pero parang may mahikang nagtahi sa kanyang mga labi, hindi niya iyon maigalaw.

Ang huling nagpakita kay Donna ay hindi pamilyar sa kanya. But when he fumbled those words, she knew who he was immediately. "Tulungan mo akong hulihin ang ibon, Donna. Dapat niyong hulihin ang ibon at itago. Hulihin niyo ni Drew ang nawawalang ibon. Kailangan niyong makuha ang ibon!"

Paulit-ulit iyon umalingawngaw sa kanyang pandinig, noong una mahina lamang iyon, hanggang sa naging malakas iyon at hindi na niya kayang tagalan ang lakas ng tinig ng matanda.

She shouted and gasped for air.

That was when she woke up. She was trembling and shivering and sweating.

Agad niyang kinuha ang lalagyan ng tubig, nagbihis at sinuot ang sneakers. Tumakbo siya sa palibot ng PICA Resort malapit sa Fuji Saiko Lake at Fuji Yoshida. Pasado alas-otso na ng umaga, tapos na sigurong mag-jogging ang mga tao. Tago at iilan lamang ang nakakaalam ng trail na iyon kaya naman, malaya ang pakiramdam ni Donna.

Septiyembre at naghalo ang kulay ng araw sa mga dahon na naglalagas sa paligid. Autumn sa Japan kaya naman dominante ang kulay dilaw, kahel at pula.

Tatlong buwan na niyang ginagawa ang pagtakbo, walang palya araw-araw. Napalipas niya ang summer sa Japan. Tatlong buwan na rin ang mga bangungot na nararanasan niya. It was like the universe wanted her to be broken hearted forever.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now