CHAPTER 17: Ang Huling Biro

98 12 2
                                    

October 15, 2012

Dear Donna,

The world is yours. Iyan ang bilin nila sa akin. Pasensiya na kung sa nakalipas na taon, ginawa kitang mundo ko, at nakulong ako roon. Nagmadali akong hanapin ang isang bagay hindi ko pa siguro puwedeng mahanap.

I focused so hard on finding what I wanted I lost sight of what I deserved. Hindi ko sinasabing kakalimutan na kita, Donna. Hahanapin pa rin kita. Pero siguro kailangan ko munang hanapin ang sarili ko gaya ng paghahanap mo sa sarili mo para kapag nagkita na tayo, kompleto at handa na tayo.

I found my inner peace, Donna. And I realized it is more important than driving myself crazy trying to understand and question why something happened the way it did. I've learned to accept and let time take its course.

Today, I bought a yacht. Habang naglalayag ako sa Manila Bay at nakatingin sa papalubog na araw, sabi ko sa sarili ko, "Ah, this is where I belong." I named her Sakura, Donna.

This is a good start for me, I guess. I will build an empire out of this.

Salamat sa inspirasyon.

Drew


"GUWAPO NA ba ang anak niyo, 'Ma?"

"Sus, ang pinakaguwapo sa balat ng mundo," anang kanyang ina habang inaayos ang kanyang kuwelyo.

"Naku, 'Ma, kapag narinig ka ni Papa at ni Anton, magseselos ang mga iyon tiyak."

Masaya si Drew. It had been the happiest month of his life. Travelling with Donna was the best thing that ever happened to him. At ngayon ngang dalawang araw na silang nakakauwi, Alejandro was excited seeing her again. He was expecting her to say yes.

Nag-propose na siya sa babae noong nasa Puerto Azul sila kinaumagahan pagkatapos may mangyari sa kanila. Hindi inaasahan ni Drew ang sagot ni Donna na, "Puwede mo ba akong bigyan ng panahon para pag-isipan iyan?" Pero inalala na lamang niya na masyadong lang siguro itong nabibilisan sa kanya.

Although, he knew from the bottom of his heart that he really loved her, hindi niya naisip ang damdamin ni Donna na baka nabibilisan ito sa pangyayaari. Kahit na naniniwala si Drew na wala sa iksi o tagal ng pagkakakilala ng dalawang tao para magkaroon ng pag-ibig sa isa't isa.

Kaya naman excited siya dahil ngayon niya malalaman ang pinakatatamis na oo ni Donna. He knew she will say yes. Ayaw niyang magyabang o anoman, pero ramdam naman niya na may pagtingin din sa kanya ang babae.

Magkikita sila sa The Milk Tea House.

Sinigurado niyang perpekto ang lahat. Mula sa mga bulaklak at musika na gagamitin niya kapag sinagot na siya nito ng 'oo.'

Magaan ang pakiramdam niya at maaliwalas ang panahon.

Buo ang kanyang ngiti nang pumasok siya sa Milk Tea House. Ngunit napalitan iyon ng kunot-noo nang mapansin na ibang babae ang nakaupo sa paborito nilang puwesto ni Donna.

Si Marga.

Nilingon niya ang paligid para hanapin si Donna pero nakangiting mukhang lamang ni Marga ang nasilayan niya.

Nilamon siya ng katahimikan. Nilamon ng mundo ang ingay sa paligid at binigyang pugay nito ang kaba sa kanyang dibdib.

Kaba na naging takot, hanggang sa ang takot ay naging sakit. May inabot sa kanyang sulat si Marga.

Hindi alam ni Alejandro na ang dalawang salita na nagbigay sa kanya ng pag-asa ay ang mga salita na wawasak ngayon sa kanyang pagkatao. Dalawang salita na nagbigay sa kanya ng buhay, ngayon ay mga salitang pumapatay sa kanya.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now