Author's Note

838 23 4
                                    

Ang Silver Coin, Wild Dreams, and Us ay inspired sa totoong kuwento nina Kristine Donna Hernandez at Alejandro Reyes Piopongco.

Nagsimula ito noong mapanood ko ang video na ginawa ni Donna para sa boyfriend niyang si Alejandro. Naiyak ako sa video at maghapon ko siyang naiisip. Kahit ano ang gawin ko, di sila mawala sa isipan ko. Masama ang loob ko, nasasaktan at parang mahahati ang puso ko sa dalawa.

Hanggang sa mapanaginipan ko sila. May parte sa akin na nag-uudyok na isulat ko ang panaginip ko para magkaroon sila ng 'happy ending.' Naglakas loob akong i-message si Donna para kunin ang kanyang pahintulot na gamitin ang kanilang mga pangalan at ilang parte ng kuwento nila bilang magkasintahan. At pumayag siya. At napagtanto ko, siguro Diyos ang nag-udyok sa akin na magsulat ulit para madugtungan ang kuwento nila kahit papaano. I am doing this for Donna.

Sacred sa akin ang kuwentong ito. Para itong babasaging hiyas sa akin. Ilang gabing walang tulog at dedikasyon ang puhunan ko sa kuwentong ito. Gaya ng pagmamahal ko sa kanila, sana magustuhan ninyo, maintindihan, yakapin ang mga pinagdadaanan ng dalawa, makaugnay sa kanilang damdamin, at kapulutan niyo ng aral ang kuwentong ito.

Uulitin ko, inspired lamang po ang kuwentong gagawin ko sa kuwento nila Donna at Drew.

Salamat sa suporta.

Link of the video: https://www.facebook.com/kristinedonna.hernandez/videos/pcb.1130458083753927/1130452993754436/?type=3&theater

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now