CHAPTER 20: Tayo Lang

133 12 2
                                    

October 7, 2017

Dear Alejandro,

Natutuwa ako sa mga suporta na natatanggap ko. Lahat sila may pagsang-ayon sa ginagawa ko para sa'yo. Mula sa mga kaibigan mo, sekretarya, kay Doc Joanne, sa mga kapatid mo, at sa mga magulang mo. Minsan nahihiya na ako. Paano kung marami nga ang may gusto sa akin para sa'yo pero 'yong nag-iisang taong magkagusto sa akin, ayaw na sa akin? Paano kung ayaw mo na sa akin?

Andun pa rin ang takot, Drew. Akala ko noon hindi tinatablan ng takot ang mga mandirigma kapag nakikipaglaban. Pero hindi pala, lumalaban sila sa kabila ng takot.

I just want to come back home, Drew. Wrap in your arms and feel your warmth and presence.

Donna


"WHAT IS she doing here?!"

Pagalit na tanong ni Drew at nakatingin sa mga magulang nito. Nasa komedor siya at nakikisalo sa hapunan ng pamilyang Piopongco.

"I invited her," nakangiting sagot ni Tita Maricel.

"Okay, mamaya na lang ako kakain," tumalikod ito at napahinto sa paanan ng hagdan nang tawagin ito ng mama nito.

"'Alejandro! Sumabay ka sa amin sa hapunan!"

Napilitan na umupo ito sa tabi ni Antonio, nakaharap sa kanila ni Alexandra. Ramdam niya ang hostility nito. Ni hindi nito magawang tapunan siya ng tingin.

"Kumusta ang restaurant mo, hija?" tanong sa kanya ni Tito Alejo.

"Maayos naman po," nakangiting sagot niya.

"Dapat kumain tayo one-time doon, Pa," sabat ni Alexandra.

Masaya silang kumain at pinaramdam ng pamilya ni Drew na welcome siya sa mga ito maliban kay Drew na umaakto na parang hindi siya nag-e-exist.

"Siya nga pala, Donna, single ka naman hindi ba?" tanong ng ginang.

Natahimik siya at lihim na sinulyakapan si Alejandro. Single pero hindi na po available. Iyon dapat ang sagot niya pero nakuha na lamang niyang tumango.

"May ipapakilala ako sa'yo. Pamangkin ko, si Royen. Mabait iyon magkakasundo kayo."

Nailang siya at hindi alam kung paano sasagutin ito. Nagka-ideya siya kung anong tugtog ang gusto nitong sayawin kaya sumagot na lang siya ng, "Sige po."

Napahinto sa pagkain si Drew. "May anak na iyon, Ma. Walang sariling disposisyon na buhay ang pinsan kong iyon. Walang ibang ginawa kundi mambabae at uminom," kontra ni Drew.

Palihim siyang nginitian ni Tita Maricel. Namula siya at nagkaroon ng pag-asa ang puso niyang sabik sa atensiyon ng lalaki.

"Yong kaibigan ko na lang, Donna. Isa siyang chef, mukhang magkakasundo kayo," ani Xandra.

Ngumiti siya rito at tumango.

"'Yong kaibigan mong chef na si Rob? Baka hindi sila talo? Saka bakit ka nagpapakilala ng mga lalaki eh ikaw wala ka ngang boyfriend," napapailing na saad ni Drew.

"Bakit ka ba kasi naaasar na may makilalang lalaki itong si Donna?" nakangising tanong ni Antonio.

Lahat sila ay napatingin kay Drew na tila nasukol sa daga ng limang pusa. Namumula ito. "A-ayoko lang na m-masisi kayo kapag lumabas na manloloko pala ang mga taong pinakilala ninyo."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now