CHAPTER 8: Ang Tinig at Mga Liham

189 15 2
                                    

January 14, 2016

Nagising akong hinahabol ang aking hininga. Pagod na pagod ako. Sa aking panaginip, hinahabol ko ang taong tumatawag sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit pero laging hindi ko mahabol ang tumatawag sa aking pangalan.

Laging ganito ang aking mga nararanasan. Noong isang araw pinuntahan ko ang isa sa napanaginipan ko. Ang Glen Eden, isa sa sikat na skiing resort dito sa Ontario, Canada. Parang totoo ang lahat. May boses na tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung saan galing pero kapag lilingon ako, puro mga taong masayang nag-i-ski lamang ang aking nakikita.

Isa lamang ang posibleng panggalingan ng boses na iyon, sa mga puno. Sa mga pine trees. Siguro nga nababaliw na ako.

Kanina naman, sa aking pinakahuling panaginip, nakaupo ako sa isang bench katabi ng isang puno na nalalagas ang mga dahon. May taong nagpakita isangdaang metro ang layo sa akin at tinatawag ako. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa likod niya ang araw at malayo siya sa akin. Sinubukan kong tumayo para habulin siya. Ngunit napasagap ako ng hangin nang biglang nakaupo pala ako sa isang duyan na malakas ang ugoy. Sinubukan kong ihinto iyon pero hindi ako nagtagumpay. Wala akong magawa kundi sundan ang lalaking papalayo sa akin.

Sino ang lalaking tumatawag sa akin? Bakit pakiramdam ko, nangungulila ang boses niya? Bakit pakiramdam ko, nailipat sa akin ang pangungulila na iyon?

Bakit biglang ang payapa kong buhay dito sa Canada ay naging kakaiba at naninibago ako? Na tila hindi ako nabibiling sa bansang tinirhan ko ng anim na taon. Hindi ko maintindihan.

Dapat na ba akong umuwi sa Pilipinas? Dapat ko na bang kunin ang batong pilak na para sa akin? Sino ang tumatawag sa akin?

Talaan ng Pagbisita

Donna, 27

"BUTI AT pinayagan ka ni Gibson na makipagkita sa akin?" tanong ni Donna.

"Aba, dapat lang! Ang sabi ko, magkikita kami ng bestfriend ko na hindi nagparamdam sa akin pagkatapos ng anim na buwan pagkaalis ng Pilipinas," sagot ni Jas.

Pumunta siya sa bahay ng mga ito pagkarating niya sa Pilipinas para kumustahin. Ang nanay nitong si Auntie Marie ang nakaausap niya. Ayon sa matanda, may sarili ng tahanan ang kaibigan at nakapag-asawa na nga ito. Kinuha niya ang number ng kaibigan at noong tinawagan nga niya ay naghihiyaw na parang may sunog. Nagkita sila sa The Restaurant na kasalukuyang inaayos ng interior designer.

Todo ang yakap nito sa kanya at may limang minuto siguro silang nag-iyakan ng kaibigan. Maganda pa rin ang kaibigan, pero nasa awra nito ang pagiging ina - simple, kontento at masaya. Full-time housewife ito sa dalawa nitong anak habang part-time na nagtatrabaho sa Upwork. Ang asawa naman nitong si Gibson ay manager sa isang hotel sa Cubao.

"Nag-e-email ako palagi sa'yo. Ikaw ang hindi na nagreply."

"Nakalimutan ko na kasi ang password noon. And hello, Donna, nasa mundo kung saan lahat ng mga tao ay may Facebook, Instagram, at Twitter. Puwede mo namang i-search ang Jas Gamboa-Daen, makikita mo agad," litanya nito.

"Wala akong hilig sa social media, Jas. Friendster nga hindi ko pinatulan kahit magkandaugaga ka sa background ng profile mo at sa cursor mong maarte, remember?" aniyang natatawa. "Pakiramdam ko kasi, sayang ang oras, Jas. Kung naghahanap ang isang tao ng kapayapaan at pagmamahal, tingin ka sa labas, langhapin mo ang hangin at pansinin ang paglagas ng mga dahon sa puno, pati ang munting tunog ng pagpatak ng ulan, iyon ang kapayapaan, Jas. Sa Canada, may isa akong paboritong kainan, walang WiFi at may lalagyan cellphone kapag grupo kayo. It is a must sa restaurant na iyon na ma-usap kayo."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now