CHAPTER 6: Sa Isang Drawing Book

229 18 12
                                    

April 6, 2012

Muli ko na namang napanaginipan ang isang tinig ng lalaki kanina lang. "Siya'y iyong hanapin at tanggapin. At sa pagyakap niyo sa ulap, mahahanap ninyo ang alapaap." Pangatlong beses ko nang naririnig na sinasabi niya iyon. Pero hindi ko makita ang kanyang mukha. Ito ba ang kapalit ng pangalawa kong buhay?

Wala akong magawa at hindi ko maipaliwanag. Gaya ng babae sa panaginip ko na nakalutang sa ilalim ng dagat pati na rin ang nakahandusay na babae sa kusina habang nakatingin sa kisame, halatang wala ng malay. Iginuhit ko lahat ang mga ito. Tatlong taon ko na silang napapanaginipan, pati ang pangala nila ay natuklasan ko na rin. Constancia at Prency.

Pero kanino ang tinig na naririnig ko?

Sa Isang Drawing Book

Drew, 23


"HIT!"

Napangiti si Drew sa hitsura ni Michael Angelo. They were playing Blackjack in his yacht. Si Drew ang dealer at kalaro niya ang mga kaibigan. Two aces at three hearts ang lumabas sa deck nito. Kahit sino madidismaya sa kilabasan ng card.

Blackjack is a game of twenty-one. Simple lang naman ang goal ng laro, kailangang matalo ng player ang dealer. The point of the game Blackjack is to make twenty one or get as close to twenty one. Kapag ang total ng card ay twenty one, panalo agad ang may hawak noon. Twenty one o mas mababa at mas malapit sa twety one. Kapag sumobra sa twenty one, kukunin agad ng dealer ang card. Talo ang may hawak ng sobra sa twenty one.

Puwedeng mag-hit ang mga player at dealer. Ibig sabihin noon gusto pa ng player o dealer ng isang card hanggang sa mag-stand o deal na ang player na nangangahulugang sapat o kampante na siya sa card niya.

Blackjack was his favorite in the casino. He can always interact with the players.

Kumuha siya ng isang card sa rack at inilatag iyon. King of hearts.

"Hit," usal ni Michael Angelo. Isa itong broker at isa sa mga vice-president sa kompanya ng kaibigan nilang si Paul.

Spade of seven ang nakuha ni Drew galing sa rack. Naka-twenty two na si Michael. Game over for him.

"Naman!" nangigigil na inihilamos nito ang kamay sa mukha.

"Ganyan talaga pare kapag maraming babae, malas sa sugal," natatawang saad ni Jared. Ito ang pinakamatalik niyang kaibigan sa lahat. Sikat itong PBA player.

"Parang hindi ka naman maraming babae!" sagot naman ni Kelvin na isang banker.

"Well, hindi gaya ni Michael, I stick to twenty one, este stick to one pala!"

Tawanan ang grupo sa inusal ni Jared.

"Pare ano na? Maglalaro pa ba tayo o hihintayin naming matapos ang pakikipaglandian mo sa asawa mo?" tanong ni Drew kay Paul na katabi ni Michael.

Ikinasal ito kay KM sa pangalawang beses noong nakaraang taon. At may isang anak na ang mga ito. Ang inaanak niyang si Kristine Angela.

Ngumisi si Paul. At halatang kinikilig at masaya sa nabasa niyang message ng asawa nito.

"Hindi niyo ako maiintindihan kasi ang lulungkot ng buhay niyo!" kantiyaw nito saka tumawa. "Stand ako." Eighteen ang baraha nito. Fair deal.

"Kasal? Commitment? Naririnig ko pa lang, nasasakal na ako, pare," ani Michael.

"Sinabi mo pa!" sang-ayon ni Kelvin na nag-hit at nakakuha ng twenty sa card nito. "Ikaw, Drew. Kailan mo ipapakilala sa amin ang girlfriend mo? Wala man lang akong nabalitaan na naging kasintahan mo."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now