CHAPTER 11: Munting Tinig

182 15 7
                                    

Febraury 14, 2010

Dear Donna,

Napagtanto ko na hindi na matanggal sa sistema natin ang manabik at humiling habang nabubuhay tayo. Para siyang blue print na nakaimprinta sa pagkatao natin, Donna. Siguro dahil may mga pagkakataon na kailangan nating maramdaman na maganda o mabuti tayong tao, at kailangan nating habulin ang mga iyon.

Kaninang umaga sabi ni Tonton, "Love is in the air" na sinagot ni Xandra ng "Wrong. Nitrogen, oxygen and carbon dioxide are in the air." And Xandra has my support. Pero alam kong tama si Tonton.

Iba talaga ang ambience kapag Araw ng mga Puso. Mabenta ang mga bulaklak at chocolates. Ramdam ko ang mga pusong sabik makasama ang mga taong mahal sa buhay. Nakapa-espesyal ng araw na ito. Parang lahat hinihintay ang araw na ito.

Ngayon nagtatagpo ang dalawang pusong nananabik. At may dalawang pusong sabik sa iyong pagbabalik. Ako at si Apo.

Siguro kapag nakita mo si Apo, madudurog ang puso mo. Akala ko normal lang noong makita ko siya last year na nasa labas. Pero ang sabi ni Manang Kunol, mag-iisang taon na siyang naghihintay sa labas ng bahay ninyo. Hinihintay ka niya. Mukhang si Apo ang Hachiko ng Pilipinas.

Tinitigan kong maigi si Apolinario Mabini, at parang may kamay at dumukot sa puso ko. Nasasaktan ako at hindi ko alam, para akong tanga na naluluha habang nakatingin kay Apolinario Mabini. Sa wakas, may isang puso na rin ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Lubos din siyang nangungulila sa'yo, Donna.

Kanina inaya ko sila Manang Kunol na lumabas, pero tinanggihan niya ako dahil inaabangan daw niya ang interview ng nanalo sa PBB na si Melai at Jason. Tignan mo, pati sa reality shows, in love ang mga tao, Donna.

Pauwi na ako nang mapansin ko na sumusunod sa akin si Apo, nakikiusap ang mga tingin na parang gusto niyang sumama sa akin. Siguro nga, misery loves company. Pero habang kasama ko si Apo sa Milk Tea House, hindi ko naramdaman na miserable ako. Sa kauna-unahang pagkakataon simula noong umalis ka, gumaan ang pakiramdam ko.

I guess we'll get along, Donna.

Mula sa Pusong Nananabik,

Drew

P.S. Gustong-gusto ni Apo ang strawberry frappe!


"SHE IS... Donna."

Napasinok si Donna. Lahat ay nabaling ang tingin kay Donna. Pakiramdam niya para siyang specimen sa microscope kung tignan ng mga ito. Halong pagkagulat at pang-unawa... at pasasalamat? Iyon ang nababanaag niya sa mga mata ng mga ito.

Natigil siya sa pagkain dahil pakiramdam ni Donna hindi niya malunok ang kinakain. Napainom siya sa kaba. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Ano ang sinabi ni Drew sa pamilya para magkaganoon ang mga ito pagkarining sa kanyang pangalan.

"Double celebration pala ito. We're glad na nakilala ka namin, Donna," basag ni Xandra sa katahimikan.

Bakit pakiramdam ni Donna para siyang parte ng pamilya ng mga ito na nawala ng mahabang panahon kung ituring siya ng mga ito. And it was a foreign feeling for her. Donna didn't know how to handle the feeling. But she was... grateful.

"Donna," ani Tita Maricel nang naghahanda na siyang umalis pagkatapos ng salu-salo nila. Silang dalawa na lang ang natira sa gazebo. Inihatid ni Drew si Marga palabas. May lambong at malasakit sa mga mata nito. Drew's mother seemed like crying, and her heart melted by the gesture. Niyakap siya nito ng mahigpit. "Salamat sa ginawa mo kay Drew."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now