1

18.4K 331 54
                                    


"time ouuuut!!!" sigaw ng coach ng Cougars, ang basketball team ng school namin.


"good job boys! magpahinga na kayo. bukas ulit." huling pahayag ng coach bago umalis ng gymnasium.


Pero ang mga basketball player mukhang nage-enjoy pa kaya pinagpatuloy pa nila ang paglalaro.


Nandito ako kasama ang mga beshy ko sa gymnasium at nanunuod ng practice ng mga seniors. Kanina pa kami dito from the start of the game at mukhang gagabihin na naman kami sa paguwi dahil wala pa atang balak tumigil ang mga players. Isa kasi sa long time crush ko na si Jake ay player ng Cougars kaya andito ako at nanunuod. Actually may mga school mates din ako na fans din nila na nandito kanina pero nagsi-alis na sila. Pero ibahin niyo ako dahil tinatapos ko talaga ang laro nila kahit practice pa lng.




"Ano na mga bakla? Ala-singko na ng hapon baka hindi niyo napapansin? May plano ata kayo mag over night dito." sarcastic na sabi ni Jovy samin.



Malamang inip na inip na ang isang yan kakahintay na matapos ang practice.


"sandali na lng kasi.." sagot ko sa kaniya nang hindi inaalis ang tingin sa lalabs ko na busy sa kakatakbo sa gitna ng court.



"beshy, if wala kang ibang magawa bukod sa pagpapantasya diyan sa bakulaw mong crush.. aba ibahin mo ako, sandamakmak na assignments ang nagwi-wait sakin" pagrereklamo niya pa. Pero katulad ng nakagawian hindi ko siya pinansin, magsasawa din yan kakatalak.



"haha! hindi pa nasanay ang Joving bakla. Hindi aalis ang Tracy Ann na yan dito hanggat andiyan at nagdri-dribble ng bola ang crush niya. Na kay jake nakasalalay ang pag-uwi natin." sabi ni Shiela, ang isa ko pang beshy.


And yep! nasabi na ni Shiela ang name ko, im Tracy Ann. Ang soon to be girlfriend ni Jake. At itong mga maiingay kong kasama walang iba kundi ang mga kaibigan ko na kahit puro reklamo sinusuportahan pa rin ako sa mga kagagahan ko sa buhay.


"wait lng kasi kayo mga baks! (bakla) malapit na rin yan sila matapos. mapapagod din ang mga yan" panguuto ko sa kanila kahit maging ako ay Hindi rin sure kung kelan ba matatapos ang mga players na yan.


"bruha ka! si Jovy lng ang bakla dito. May matris kaya ako for your information." eksaheradang sabi ni Shiela sabay tawa ng malakas.



Hindi ko na pinansin ang mga walang kabuluhang bagay na pinagsasabi nila.



my gahd! Ang hot talaga ni lalabs ko. Look! Kahit pawisan na ang yummy pa rin.



"Go Jaaake! Baka napapagod ka na labs??!!!" malakas at powerful kong sigaw.



walang makakapigil sakin. hahaha!



At ang malanding Jake, lumingon naman sa pwesto namin at ngumisi. oh sweet Jesus!



"kyaaaahhhhh!!!"
"waaaahh!"
"oh my god bes! nginitian ako ni jake"



what the heck is that?



Pagtingin ko sa likod namin may mga grade 11 na kinikilig at tumatalon-talon pa. Akala ko kami na lng nila beshy ang nandito. Oo nga pala, hindi lang naman ako ang nagiisang admirer ni Jake.


mga feelingera na to, sakin kaya lumingon si jake. hmp!



"Tracy! Tracy!"



"ano ba?" asar kong tanong kila Jovy. Kung maka-kalabit kasi akala mo mamamatay na. Pag ganitong may mga katunggali ako mainit talaga ulo ko eh. Maldita kasi ako sa totoo lng.



"Tracy ann santos, kung ayaw mong mamatay ng maaga at virgin umalis na tayo dito" kinakabahan na sabi ni Shiela.


eh? bakit naman kinakabahan ang isang to? mga o.a. talaga!!


"tara na besh! bilis" sabay hila ni Jovy sakin.



tinanggal ko ang pagkaka-kapit nila sakin at binigyan sila ng bored look. syempre ako bida dito dapat ako masusunod.



"guys relax, alam ko nakakakilig ang killer smile ni Jake. Pero trust me hindi kayo literal na mamamatay dahil dun." mahinahon kong sabi sa kanilang dalawa para maunawaan nila. itong dalawa kasi na ito ayaw pa aminin na may cru--


"si Jake na bakulaw hindi yan nakamamatay.. pero ang mga cheerleader, OO!" naputol ang pagiisip ko dahil sa sinabi ni Jovy.



"ha?? anong sabi mo?"tanong ko sa kaniya.


Naparoll-eyes si Shiela sa sinabi ko. uma-atittude ang beshy ko ah! hmm..




"Ayun. tumingin ka dun banda sa gilid ng court.." utos ni Jovy.



Ako naman na masunurin tumingin din. at pag-tingin ko, Tsaran! ilan sa mga cheerleader ay nakatingin samin. At yung isa ang sama-sama ng tingin sakin.



"Sabi ko nga, alis na tayo. Boring na dito. Taralets!" sabi ko sabay hila sa dalawa kong beshy.



Ibang usapan na pag mga cheerleader na ang nandiyan. Mahirap na noh! Ayoko maging pet of the week ng mga cheerleader/brat/mean/bully na yun.



Binilisan nanamin ang paglalakad. palabas na sana kami ng exit... kaso mukhang pinagpala kaming tatlo ngayong araw dahil...





"where do you think you are going?" isang maarte at saksakan ng sungit na boses mula sa likod namin ang nagpa-hinto sa mala-marathon na lakad naming tatlo....




"Patay." Sabay-sabay na sabi namin nila beshy.



**

😑

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now