8

6K 153 9
                                    

eh??


"parang pamilyar ang line na yan ah?" inisip ko kung saan ko ba yun narinig... alam ko na!

"hoy! kung sino ka man, lumabas ka na diyan sa pinagtataguan mo!!" nawala ang takot ko dahil alam ko na tao ang
nagsa-salita at hindi multo. At walang iba kundi ang bitter na fangirl or fanboy ni jake na naiinggit sakin.



"nasaan ka ba kasi?! magpakita ka nga! wag mo kong ma-idiot idiot diyan!!" naiinis kong sabi. Sino ba namang matutuwa sa kaniya eh pangalawang beses na niya akong sinasabihan ng idiot.


"I'm here" mahinang sabi mula sa likod ko.

"ay bakla tomboy!!" gulat kong reaksiyon. Tapos ang walanghiya tumawa lng.


Fvck tracy. Where's that 'bakla tomboy' came from?? Hayst!!   Sita sakin ni Inner demon ko. Sorna besh! ,--



"Oh ayan! at ng matapos ka na at maka-uwi. Ala-singko na." sabi nito sabay abot ng mga libro sakin. fvck ang bigat!


hindi ko nakita ang pagmu-mukha niya dahil nahaharangan ito ng mga libro kanina na ngayon eh hawak-hawak ko na at hirap na hirap na ako. Pero, concern ba siya saken?


Assuming..  komento ng demonyo sa loob ng katawan ko.


Pinatong ko muna sa isang tabi ang mga libro at hinarap ang walang-hiya. Ayan na naman siya, paalis na naman!


"hooooy!!!" tawag ko sa kaniya. Huminto ito sa paglalakad pero hindi siya humarap sakin.


"anong pangalan mo po?" tanong ko. Ilang segundo siyang nakatayo lng dun. akala ko sasagot siya sa tanong ko pero nganga! dedma. Nagpatuloy lng siya ulit sa paglalakad.


kahit naaasar na ako sa kaniya na-appreciate ko pa rin yung effort niya sa pag-dampot ng mga libro.



"hoy! kung sino ka man po na mahilig sa hoody at kung makapag Sabi ng idiot sakin eh kala mo ka-close ko!! thank you sa pagtulong. sa uulitin!!" sigaw ko sa kaniya.



kagaya ng inaasahan hnd niya ako ulit sinagot pero narinig ko ang pag-tawa nito bago umalis.


ang cute naman ng tawa niya. hihihi! ay landutay ka tracy ann! 



Tinapos ko na ang pagaayos at mga bandang 5:20 pm na ako naka-alis ng school. Medyo malapit lng naman​ ang appartment namin kaya balak ko sanang mag-lakad na lng.


Mga ilang kanto lng naman yung layo, sapat lng para lumabas ang dila mo pagdating sa apartment. Sarcastic na sabi ng demonyo sa loob ko. Hmp!



Paglabas ko ng gate ng school may lumapit sakin na taxi driver at sabi ni
manong may nag-sabi raw sa kaniya na "hintayin at ihatid si Tracy Ann". Tracy Ann ang pangalan ko diba? kaya malamang ako yun. Kaya
sumakay na ako. Aarte pa ba?



Ilang sandali lng nakarating narin kami.



Magpapa-salamat na sana ako ng todo sa nag-sabi kay manong taxi driver na hintayin ako kaso....



"Ms. yung bayad." sabi ni manong.


"Hala. Akala ko binayaran ka na nung nagpahintay sakin manong." dismayado kong sabi habang kumkuha ng pera sa bag.



"Hindi naman nag-bigay yung babae. ikaw daw ang singilin ko." sabi ni manong.


hmm.. mukhang alam ko na kung sino ang napaka-bait na nagpahintay sakin. Pagka-abot ko ng bayad kay manong, nag-salita ulit ito at napa-taas ng bongga ang kilay ko dahil sa sinabi niya.



The Cheerleader is My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon