12

5.7K 208 95
                                    

"Samahan niyo na kasi ako. Dali na!" pakiusap ko kila Jovy at Shiela. Kanina ko pa sila kinukulit na samahan ako pero ang mga bwisit mukhang gusto pa ata akong lumuha ng dugo bago ako pagbigyan.

"Sige na nga" sabi ni Jovy na halatang labag sa loob niya ang kaniyang sinabi.

"yeeey! Arigato guzaimasu beshywap." Sabi ko ng nakangiti.

"basta hindi kami iimik dun ha. Tahimik lng kaming dalawa ni Jovy." Biglang naputol ang kasiyahan ko dahil sa sinabi ni Shiela.

"Wow. Ano to? Solo flight?? Kaniya-kaniya na? bahala na ako sa buhay ko?! Ganun?!!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Grabe talaga tong mga kaibigan ko nakakasama ng loob.

"aarte pa?! oh sige, aalis na lng kami ni Shiela..." si Jovy.

"charot lng. Why so serious Jovy?? Hehe. Tara na." wala na akong nagawa kaya pumayag na lng ako kesa naman sa walang kasama. At nagsimula na kaming maglakad nila beshy papunta sa pwesto nila Lucy.

"waaahh! Ayoko na. kinakabahan ako!" sabi ko sabay talikod.

"Woy! Gago ka talaga. Ngayon ka pa natakot. Tara na!" sabi ni Jovy sabay hila sakin.

"kaya mo yan beshy. ibabalik mo lng naman yung jacket niya." Si Shiela.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Nandito kami ngayon sa school field para puntahan sila Lucy. Sabi kasi nung mga classmate nila dito daw madalas nakatambay sila Lucy. At tama nga sila. Dahil nakikita ko na si Lucy kasama yung dalawa niya pang kaibigan na mga cheerleader din. Fvck. Bakit kasi sa dami ng magpapahiram ng jacket, bakit si Lucy pa? hnd naman sa nagrereklamo ako pero shet naman mga behsywap! Hayst!!!

"kinakabahan ako.." sabi ko sa dalawa kong kasama.. "paano kung sungitan na naman niya ako?"

"ok lng yan. Hindi ka pa ba nasanay?" sabi ni Jovy na palinga-linga. Malamang naghahanap na naman yan ng lalaki. Tsk.


"Lucy..." tawag ko sa kaniya pagkalapit sa pwesto kung saan siya naka-upo kasama sila Jane at Janice. Humarap sila Lucy samin...

"why?" masungit niyang sabi habang nakatingin sakin.

"ahmm.. ano kasi..." prinactice ko na kanina yung sasabihin ko pero shet bakit wala akong masabi ngayon.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Shiela sakin.

"what? Kung wala ka naman palang sasabihin then get lost! Hmmp." Umirap siya at muling humarap sa mga kaibigan niya.

"gu-gusto ko lng sanang.. ahmm.. ibalik itong jacket mo." Sabi ko. Kinuhan ko yung jacket sa loob ng bag ko.

"huh?" reaksiyon niya.

"oh my. Is that yours Lucy?" tanong ni Janice pagkakita sa jacket na hawak ko.

"ah oo. Ito yung pinahiram mo sakin last week. Ibabalik ko na sana." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"woah! Is this for real?" hindi makapaniwalang sabi ni Jane.

"WOW!! How sweet?? Kaming kaibigan mo never mong pinahiram ng mga gamit mo. Hmmm..." si Janice habang nakatingin kay Lucy at naka-ngisi.

"o-of course not!!" sigaw ni Lucy. Tiningnan niya ako ng masama... "are you nuts? Bakit naman kita pahihiramin ng jacket ko?!!" sabi niya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"pero Johansson ang last name mo diba??" tanong ko sa kaniya.

"yah. So what?!" sagot niya.

"eh yun yung nakalagay dito sa jacket." Pinakita ko sa kanila yung likod nung jacket kung saan nakalagay ang 'Johansson'.

"oo nga. Iyo to Lucy." Sabi ni Janice.

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now