2

8.6K 245 16
                                    

"Where do you think you are going?" isang maarte at saksakan ng sungit na boses mula sa likod namin ang nagpa-hinto sa mala-marathon na lakad naming tatlo....


"Patay!" sabay-sabay na sabi namin nila beshy

"Ano, hnd ba kayo haharap dito mga juniors!" Masungit nitong sabi.

nagsisikuhan kaming tatlo if sino ang unang haharap sa mga cheerleader na nasa likod namin.

nilakihan ng mata ni Shiela si Jovy, senyales na siya ang humarap at kumausap sa kanila. pero ang bakla binigyan lng kami ng 'bakit ako? ayoko nga' look.


naghintay pa ako ng ilang segundo...

hayst. Thats it!

Mukhang ako ang haharap sa delubyo na to, tutal kasalanan ko naman. tsaka anong akala nila natatakot ako sa kanila?

No Way!

Inhale.... .

Exhale...


kaya ko this!!

pagharap ko sa kanila.. tinaasan ko sila ng kilay. syempre joke lng!

binigyan ko sila ng sobrang tamis na ngiti. sana lng wag akong mag-mukhang ewan. huhu!


5 seconds na ata akong naka-ngiti dito pero nakatingin lng sila sakin na para bang isa akong shunga shunga.

My ghad! manunuod na talaga ako araw-araw ng advice about sa mga sodiac sign tuwing umaga. Para ready ako!


"ahmm.. hi? h-hello po?? hehe" awkward kong sabi with matching kaway pa ng kamay.

roll-eyes lng ang sinagot nila Lucy sakin. si Lucy ang may-ari ng maarte at masungit na boses na yun. mukha pa lng niya mukha nang mataray. isa siya sa mga cheerleader at kilala siya bilang saksakan ng kaartihan at kasungitan, binansagan pa nga niya ang sarili niya na queen bee. assuming noh? hmp, buti nga nagpapaka friendly pa ako eh.

"You!" sabi ni Lucy na nasa harapan ko ngayon.

"a-ako po ba?" oh jesus! malamang ikaw yun tracy. sayo nga nakaturo ang daliri niya diba??

"tss.malamang!" masungit niyang sagot. naghagikgikan naman ang dalawa pa niyang kasama na sina Jane at Janice.


kilala ko ang tatlo na yan, dahil laging mainit ang dugo nila sakin. may gusto kasi ata tong si Lucy kay Jake at inaaway niya talaga ang lahat ng mga fan girl ni Jake at sa kamalas-malasan ako pa ata ang nasa number 1 ng lisatahan niya.


"bakit po? a-ano pong.." naputol ang sasabihin ko ng mag-salita si Jovy.

"ahmm.. sorry girls ha. Nagmamadali kasi kami. chitchat na lng us next time" mabait na sabi ni jovy. sa wakas! nagsalita din siya. akala ko napipi na silang dalawa.

aalis na sana kami pero mukhang gustong-gusto ata ni Lucy makipag kwentuhan samin nila beshy. huhu! ang dami naman niyang makakausap sa mga cheerleaders bakit kami pa ang napagtripan niya?!


"bakit, pinapaalis ko na ba kayo?" tanong niya kay Jovy ng nakataas ang kaliwang kilay.


"hindi. Pero aalis kami dahil gusto namin. kaya goodbye!" matapang na sagot ni Shiela. Sabi na nga ba, may attitude din na tinatago tong si shiela eh. go beshy!! may hug ka sakin mamaya.


"aba.. matapang ang isa na yan ah" hindi makapaniwalang sabi ni Janice.


Hindi naman pinansin ni Lucy ang pagtatapang-tapangan ni Shiela at tinitigan niya ako.



napayuko na lng ako..

"napapansin ko lng na tuwing may practice ang cougars lagi kayong nanunuod. at nakukuha niyo pang sumigaw sigaw.." sabi niya ng mahinahon pero hini pa rin maaalis ang kasungitan.

"si Tracy lng naman yun eh.." hindi ako makapaniwala sa sinagot ni Jovy. Sinamaan ko siya ng tingin. ano to? laglagan. Gaga kang bakla ka, mamaya ka lng akala mo tutulungan kita sa assignments mo ha.


"ikaw si Tracy right?" tanong niya sakin.


"ah..oo." sagot ko ng hnd tumitingin sa kaniya.


"ikaw yung babae na laging nagpapapansin kay jake. na tuwing may game halos daigin mo kaming mga cheerleaders kaka-cheer! at pati practice nila hnd mo pinapalampas." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasan ang mabigla sa sinabi ni Lucy.


"ilang taon na akong nagtitimpi sayo! pero ngayon sasabihin ko sayo... tumigil ka na sa kahibangan mong babae ka dahil hinding-hindi ka mapapansin ni jake. Look at yourself, napaka plain mo walang magugustuhan si jake sayo!" galit niyang sabi sakin.


ako naman itong si duwag, walang magawa kundi ang yumuko at pigilan na lng ang mga luha ko. loser!


"hoy sumusobra ka na ha!!" saway ni jovy sa kaniya. gusto ko tuloy lalong maiyak dahil natouch ako sa pagtatanggol ni beshy sakin.



"kung ayaw mong madamay manahimik ka na lng bakla ka.." sabi ni jane kay jovy.


"anong sabi mo?!" galit na sigaw ni Jovy kay Jane.


"shut up! hayaan niyo na lng siya girls.. hnd naman siya ang kailangan ko eh." awat ni lucy kay Jovy at sa kaibigan niyang si Jane.



"ikaw Tracy, tumigil ka na pwede? naiinis ako sa mga babaeng umaaligid kay jake lalo na SAYO! kung ayaw mong masampulan ngayon pa lng tumigil ka na sa kahibangan mo! OK? hnd ka kagandahan para mangarap ng isang Jake dela fuente. Keep in that little brain of yours that jake will never be yours. Never in your wildest dreams!" sabi niya sabay smirk.


"Let's go girls. titigil na rin yang babae na yan." nagtawanan muna sila at binigyan kami ng nanghahamak na tingin bago umalis.


naiwan naman kaming nakatayo sa pwesto namin.


"Tracy.." nagaalalang tawag ni Jovy sakin.


"ok ka lng ba Tracy?" tanong naman ni Shiela.

tsk! ikaw kaya sigawan at hamak-hamakin ang pagkatao mo.. ewan na lng kung maging ok ka pa.

syempre hindi ko yan sinabi kay beshy baka sabihin niya uma-atittude ako.

hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. tsk! weak ka talaga tracy ann! weak!

hinawi ko ang pagkakahawak nila beshy sa braso ko at madramang tumakbo papaalis ng gym.

lakas ko maka drama, shet!

*****

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now