6

6K 174 16
                                    

Sabay-sabay kaming lumingon tatlo nila beshy sa taong nasa likod namin.

"J-jake?" hindi ko maka-paniwalang tanong.


"Yup. Expecting someone else?" tanong niya sabay ngiti.


damn! hindi ako makahinga. pengeng tubig! charot.


"ahh..no no!" sagot ko sa kaniya na may kasabay pag pag-iling ng ulo. Jusmiyo pati tuloy ako napapa-english na rin.



Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Kinakabahan na excited na masaya na ewan? hihihi! Ikaw ba naman maka-kita ng gwapo, not to mention long time crush ko pa. Yung taong hinahabol-habol ko at ini-stalk ko palagi sa fb nasa harap ko na ngayon at naka-ngiti pa!



Ang gwapo-gwapo ng lalabs ko. Para siyang model na naka-tayo sa harapan namin. Naka school uniform lng siya pero ang lakas ng dating. Bakit pag-
yung ibang boys dito sa school ang naka-uniform parang wala lng.. Pero kapag si Jake pang model ang dating. Ang linis-linis pa niyang tingnan. Maayos na buhok. Walang suot-suot na burloloy sa katawan maliban sa itim na mamahalin na wrist watch na suot niya.


Lord, katapusan ko na ba? wag niyo po akong kunin agad, birhen pa po ang Tracy Ann Santos.


"Ehem.. ok ka lng? Ms.?" nahinto ang pagpa-pantsya ko kay Jake ng mag-salita siya.


"ah opo! i mean oo, ok lng ako. ok na ok pa nga eh!" masaya kong sagot at ngumiti ng wagas. Hindi nakalampas sa pandinig ko ang mahina pero nakakarindi na pagtawa nila Jovy at Shiela.


I gave them a death-glare!


Napansin ko na tumingin si Jake sa likod ko banda. Parang may tinitingnan siya?



Nang marealize ko kung ano ang sinisilip niya hnd ko maiwasan ang kiligan at mahiya.


"Is that for me?" tanong niya sakin. Yung regalo sa loob ng locker ang tinutukoy niya.


Tumango ako bilang sagot. May kasama pang pagipit ng buhok sa likod ng tenga.


Ang harot mo tracy! sabi ng inner demon ko. Hahaha lakampake!



"Can I have my gift now?" tanong niya. Englishero talaga siya mga beshy! Nosebleed ang ilong kong hindi katangusan.


"Sure sure!" kinuha ko yung gift sa loob ng locker at nanginginig na inabot sa kaniya.


"Thank you." sabi niya ng nakangiti pagkakuha ng gift.


"Wa-walang anuman" pabebe kong sagot.

"Una na ako ha? tiningnan ko lng talaga kung may regalo pa akong makikita sa locker ko. And meron nga. thank you ulit. good bye!" paalam niya. Napatango na lng ako. Hnd ko na ata kayang mag-salita. Speechless!



Naglalakad na siya paalis ng huminto siya at tumingin sa AKIN. Oo sa akin talaga, hnd kila beshy!


Wait! Eto na ba ang hinihintay ko.. yung tatanungin niya ako nang 'pwede bang manligaw?, oo Jake! yes I do!


"ahh.. Ms. paki-lock na lng pala yung locker ko ha? bye!" yung lng at tumakbo na siya papalayo.


eh?

nasaan na yung.. 'may I court you?' o kaya ay 'can I have your number?'


"Waaaahhh!"
"Yieeeehhh!!"



The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now