5

5.8K 185 20
                                    

*wide grin* wahahahaha!



here we go...


kumuha ako ng isang pink hairpin mula sa aking pink na bag. favorite ko kasi ang pink!! para saan ang hairpin? bubuksan ko lng naman ang locker ni lalabs. hehe.. may mga padlock kasi mga lockers dito. Lahat naman may padlock eh. Hahaha


sinimulan ko na ang pag-butingting sa padlock. Lord patawad po! mga readers kong mahal, wag niyo kong gagayahin ha? pero kung gipit talaga ang sitwasyon at isa ka talagang dakilang fan or stalker at ayaw mo talaga magpa-awat.. sige! go ahead.


"bilisan mo naman beshy. baka may dumaan eh! sabihin ninanakawan natin si jake na bakulaw." Sabi ni Jovy. Sila kasi ni Shiela ang look out ko. Lol!


"wait lng.. ang hirap. hindi na ako nakakapag-practice eh."sagot ko habang pinipilit na buksan ang lock.


*click* hnd yan tunog ng camera. tunog yan ng isang padlock na nabuksan.



"yes! ok na mga gaga." masaya kong sabi sa mga beshy ko. tuwang tuwa naman sila at bilib na bilib sakin.


"may hidden talent ka talaga beshy. yan ang napapala mo sa pagiging fan girl" si shiela.


"haha. ok lng yan. para kahit na hnd makapag-tapos ng pagaaral si tracy, may talent siyang magagamit para mabuhay kahit papaano" nagaasar na Sabi ni jovy. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nag peace sign naman siya.



"Nasaan na ang bag ko mga besh?"


"eto eto!" enthusiastic na sabi ni Shiela at inabot sakin ang pink ko na bag. kinuha ko ito sa kaniya at excited na binuksan.


yieeeeeh! eto na tayoooooo


dahan-dahan kong hinuhugot ang gift ko mula sa bag nang...



*paaaak!*



"aray shiela! makasapok ka diyan. nagiging hobby mo na ang saktan ako" nakanguso kong pagrereklamo kay shiela. sapukin ba naman ako. uma-atittude na naman si beshy.



"pabitin ka kasi!!" pagrereklamo din niya. napahagikgik naman ako dahil dun. mga naka-abang din kasi ang dalawang gaga.



"mga shunga. hnd niyo rin naman makikita kung ano ang gift ko dahil nakabalot na to ng gift wrapper." sabi ko sabay pakita ng hnd kalakihan na box na nakabalot ng pink gift wrapper. Why pink? Kasi nga paborito paborito baby! (despacito yun oy!)



"waaahhh! ang daya mo naman beshy." sabi ni shiela ng naka-pout. Ang cute ni beshy!



"akin na yan! sirain na lng natin ang balot wahahaha!" hinablot ni beshy Jovy ang gift mula sakin.



ako naman tong alert at hinablot ko din ito at niyakap. "ano ka? hunghang? hnd pwede." sabi ko kay jovy. ang hirap hirap
kaya mag-balot nito. may pa-ribboon pa ako beshy. and guess what if anong color??? Pink? Ano pa nga ba. hahaha



"sabihin mo na lng samin if ano laman niyan." si Shiela. hnd talaga paawat ang mga gaga, curious na curious.



"ayaw!" sagot ko na parang bata. bata pa naman ako eh! haha. wala ng nagawa sila beshy kaya tumigil na rin sila sa kakakulit sakin.


"madaya ka!" si Shiela

"mahuli ka sana!" ang malditang Jovy.



tampu-tampuhan ang mga beshy ko. hnd naman tatalab sakin yang mga style nila.

nilagay ko na ang gift ko sa loob ng locker ni lalabs. inayos ko pa ang pagkakapatong nito sa mga libro na nasa loob ng locker. ang linis linis naman ng locker ni lalabs. masinop na lalaki. pagka-tapos kong ma-sure na ok na ang gift ko at pagka-tapos kong tingnan ang mga laman ng locker ni lalabs sinara ko na ito. hnd ako pakielamera ha! tiningnan ko lng
baka may condom. hahahaha!

ilo-lock ko na sana ang locker ni lalabs ng may mag-salita.

"akala ko hindi na ako makakatanggap ng gift na nakabalot ng pink gift wrapper na may kasamang letter na sobrang haba. haha!" isang magandang boses at nakaka-akit na tawa ang narinig ko mula sa likod namin nila beshy. at hnd ako pwedeng magka-mali. Kilala ko ang boses na yan!

"be-beshy! naririnig niyo rin ba ang naririnig ko?" tanong ko kila beshy ng hnd pa rin lumilingon sa taong nasa
likod namin.

"oo beshy." mahinang sagot ni shiela.

"huli ka beshy." pananakot ni jovy.

"hahaha. silly!" sabi muli ng taong nasa likod namin. at yung tawa! oh my gahd. fvck. pwedeng himatayin?

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now