24

3.8K 141 77
                                    

"Shet. Pota! Na-miss ko panoorin si bebelabs ko." Sabi ko na umiiyak kunwari.




Nandito kami sa gym. Dapat tumutulong kami sa mga grade 8 na maglinis. Pero sa katamaran naming taglay, asa pa sila.




"Paano kasi... busy na busy ka dun sa mga babae mo!!" Sabi ni Jovy.




"Wala akong babae. Duh!" I rolled my eyes.




"Wala daw. Kaya pala dalawang cheerleader ang nagpapapansin sayo." Siniko ako ni Jovy sa tagiliran. Kala naman niya nakaka-kilig yung sinabi niya.




"Never kong ipagpapalit si Jake. Kaniya lang ako." Sabi ko at nagtawanan kami ni Jovy.






"Haaa! Kayo... kayong dalawa sumama kayo sa akin." Hinihingal na sabi ni Shiela. San naman kaya galing ang baliw na to.





"Hindi ka namin kilala, ate." Biro ni Jovy na sinakyan ko naman. Pero di na pinansin ni Shiela ang pangbibiro namin at hinila na lang niya kami ni Jovy paalis.





"Waaahh! Saan ba tayo pupunta? Pinapanuod ko pa si Jake!" Sigaw ko kay Shiela. Pero napalakas ata boses ko dahil napatingin yung ibang players na naka-upo. Medyo malapit kasi kami sa kanila.






>///< meh. Kahihiyan 101 na naman.





Ako na ang humila sa mga kaibigan ko at dali-daling naglakad palayo. Hindi naman nila siguto ako namukhaan. Nakakahiya!




"Ano bes? Jake pa ha. Hahaha!" Pang-aasar nung dalawa. Sinimangutan ko lang sila.


"AT LEAST PROUD AKO SA MAHAL KO!" pagmamalaki ko. Inirapan naman ako ni Jovy.




"Ay shet. Oo nga pala. Bilisan niyo dali." Si Shiela at nauna pa samin sa paglalakad.





"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.




Makalipas ang ilang lakaran, mukhang alam ko na kung saan kami papunta. Sa area kung nasaan ang mga ginagawang booth.





"Kung gusto mo lang naman tumulong sa club natin at mapagalitan ni Sir, pwes! Wag mo kami idamay." Si Jovy na huminto sa paglalakad.






Hinila ni Shiela si Jovy at may binulong.






What the?!





So ano ako? Others?!






"Holy fbvk! Tala—" tinakpan ni Shiela ang bunganga ni Jovy at ngumiti sakin ng painosente.





Tinaasan ko silang dalawa ng kilay. Itong dalawang to! Aish.






"Alam mo beshy, tara na! Bilisan natin ha? Yieeeehh" parang tanga na sabi ni Jovy at hinila ako sa braso. Hila-hila na nila akong dalawa. Para namang tatakas ako. Nakaka-bobo kasama tong mga kaibigan ko. Ni wala akong ideya sa mga pinag-gagawa nila sa buhay.




Akala ko dun sa aming booth ang pupuntahan namin pero hindi. Bakit papunta na kami sa room ng section ko?



Nang makalapit na kami sa room, nakita ko si Maddielyn na nakatayo at may apat pa siyang ibang kasama na mga cheerleader din.






"Ohh. There she is..." sabi ng isa niyang kasama pagkakita sakin. They all have big smiles. Creepy. Just kidding.





Tiningnan ko ng buong pagtataka si Maddielyn.






The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now