22

5.1K 169 71
                                    

"Ano ba yan. Wala siguro si mood si Ms. Maddielyn kaya hindi tayo binati. Or baka di lang tayo napansin."




"Sino ka ba kasi Jovy para pansinin niya? Haler!"




"Wow. Thank you, Shiela. Grabe ka sakin beshywap!"




"Hahahahaha"




"Pero ang totoo kasi niyan bes, yung isa diyan ang totoong dahilan kung bakit iniiwasan rayo ngayon ni Ms. Maddielyn. Hmp!"





Lumingon ako sa mga kaibigan kong naguusap at binigyan sila ng masamang tingin.





"Oh? Totoo naman ah. Iniiwasan na niya tayo simula nung gabing umalis siya ng appartment sa di pa namin alam na dahilan." Si Jovy na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.




Haaayy




"Kasi naman!" Reklamo ko at tinusok-tusok ng tinidor ang pagkain ko. Kasalukuyan kasi kaming naga lunch and dito kami kumakain sa ilalim ng mga puno. Nagbaon kami ng pagkain dahil taghirap kami ngayon nila beshy. Huhu! Pulubi na ako. Pulubi na kami. Wala na pambili ng foods. Sad.





"Anong kasi naman?! Tayo diyan. At puntahan mo siya para makipag-bati." Utos ni Jovy sakin.





"Hala! Grabe ka beshy. Bakit ako makikipag bati dun? Wala naman ako ginagawa sa kaniya." Ako, nakanguso.




Tatlong araw na kasi mula nung umalis ng appartment si Maddielyn ng walang malinaw na dahilan. And pansin ko lang na parang galit siya ata sakin. Paano ba naman di ako pinapansin kahit sulyap wala. I mean, di naman sa nage-expect ako na kausapin niya... basta! Haays.




Bumalik na lang ako sa pagtorture sa pagkain ko. Bwisit na life. Bwist na Lucy at bwisit na Maddy! Oh Lord. Why me? Huhu. Dati si Jake lang pinoproblema ko ngayon dumagdag pa sila. Speaking of Jake, parang gusto ko manuod ng laban nila mamaya.




"Miss ko na bebe ko." Ako.





"Edi puntahan mo na at makipag bati ka! Pakipot ka pa diyan eh." Si Shiela habang ngumunguya. Eew! Char!




"Gaga ka! Si Jake tinutukoy ko. I miss him na kashi. Ehe!" Ako at maharot na inayos ang buhok sa likod ng aking tenga. Kalandian ko.





"Pfft. Jake daw. Halos makalimutan mo na nga yun eh. And that's a good news! Hayaan mo na yun. Di ko siya bet for you. Like duh?! Bakulaw iz real!" Todo lait na sabi ni Jovy.





"Wow! Ganda ka te? Ganda ka!" Halos sabay na sabi namin ni Shiela.




"Charot lang. Masyado kayong high blood mya beshy" si Jovy na nakahawak sa dibdib niya na parang takot at nagulat.





"Abugbog a berna mga bes? Kalerki. Mga vulcanic eruption kayo agad diyan. Init ng mga heads at skulls niyo." Si Jovy. Napairap kami ni Shiela dahil sa mga pinagsasabi ni Jovy. Nagkwentuhan at nagtawanan kaming tatlo buong vacant period namin. Ang saya-saya pag kasama ko silang dalawa na akala mo eh mga walang problema. Sa bagay, kagandahan lang namin ang pinoproblema namin. Charowt! Hahaha.




After 2 hours of chitchat with my beshies nagdecide silang mauna na at gagawa pa sila ng mga reflection paper chuchu. Parang si Author. Lol.




Ano naman na ang gagawin ko ngayon? Haays.





Imbis na magmukmok naisipan ko na lang pumunta ng library. Aircon kasi dun kaya mas ok na tumambay dun.



The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now