11

5.9K 190 46
                                    

"Good morning din."

Sent.

"Sino yan ha?" Tanong ni Shiela sabay silip sa phone ko. Iniwas ko naman ang phone ko palayo sa kaniya.

"Wala." Sagot ko na lng sabay tingin kung nagreply na ba Siya.

"Wushuu.. ilang araw ko ng napapansin na parang lagi kang busy diyan sa phone mo. Hmm??" Sabi ni Jovy sabay tingin sakin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil feeling ko malalaman ni beshy ang secret ko.

"Wala nga kasi to. Textmate-textmate lng." Pagdadahilan ko.

"Siguraduhin mo lng beshy. Dahil pag-nalaman ko lng... pag-nalaman ko lng talaga! Na nagsisinungaling ka.. makakatikim ka talaga sakin." Pananakot ni Shiela.

"Oh siya, dito na ko. Good bye beshy! Ingat!!" Paalam nito at umalis na. Kanina kung makapanakot wagas tapos ngayon Ang sweet sweet na. Baliw talaga!

"Ako rin. Kailangan ko pa pala mag-review ng Nihongo. Sayonara!" Paalam ni Jovy at sumunod kay Shiela.

Nagwave lng ako sa kanila at naglakad na rin ako papunta sa room ko. Dumaan muna ako sa locker ko para itabi ang school uniform ko dahil nagpalit ako ng pang PE. Iiwanan ko na rin sana ang cp ko sa locker pero nag-vibrate ito meaning may nagtext.

"Take care. See you around."

Napangiti ako pagkabasa ng message mula kay..

Kanino ha?!! Tanong ni demonyo inside my sexy bodeh! Haha..

Ahmm.. Basta kay Ano. Hehe! Hindi ko pa kasi Alam ang pangalan ng katext ko na to. Tinatanong ko siya pero ayaw sabihin. Edi ok? 'Beh' na lng ang nilagay kong name niya para masaya. Hahaha! Wala naman makakaalam eh.

Hindi ko siya kilala pero nirereplayan ko pa rin dahil.. dahil bored ako?? Tsaka ang ganda niya katext.. Hindi kasi siya jejemon! Hindi katulad ng ibang nasa phonebook ko na ang hihilig mag-GM ang haba pa naman tapos Hindi ko pa maintindihan kung anong font ba ang meron sila. Dahil I swear, I can't understand their text. Kaloka!

Binulsa ko ang cellphone ko at umalis na papunta sa gym dahil dun kami ngayong PE time. Hindi ko siya nireplayan para ma-miss niya ako. char! Hindi ko siya nireplayan dahil baka sabihin niya gustong-gusto ko siya katext.

Parang hindi ah? Ngayon ka pa nag-inarte eh halos tatlong gabi na kayo nagpupuyatan sa text!!   Pagpaparinig ng isang demonyo. Wag kayo maniwala diyan!

***

Busy ako sa pag-abang sa mga basketball players ng marinig ko ang reklamo ng mga classmate ko.

"Sir, pahinga muna kami? Dali naaaa!!"

"Kaya nga Sir!"

Kaniya-kaniyang reklamo na ang mga classmate ko kay Sir dahil pagod na pagod na kami kakasayaw. Napairap naman ako sa kanila.

"Nagmamaldita ka na naman Santos." Natatawang sabi ng classmate ko na si Vernon. (A/N: Vernon??? Pfffft 😂😂😂😂)

"Tsk. paanong hindi, eh tingnan mo nga yang mga kaklase mo. Reklamo ng reklamo eh sila naman may gusto na sumayaw!" Maldita kong sagot sa kaniya habang sinasaulo ko ang steps. High blood tuloy ako ngayon dahil sa mga classmate ko na to.

"May sinasabi si Tracy Ann guys!" Sigaw ng classmate kong si Kimberly. Malapit lng ang pwesto niya sakin kaya sigurado narinig niya ang sinabi ko.

Sus! Wala akong paki. Mabuti nga at ng malaman nila ang katangahan nila!

"Ano daw yun Kim?" Tanong ng isa kong classmate.

Tumingin naman sakin si Kim at parang tinatakot pa niya ako na sasabihin niya ang sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now