9

6.3K 165 21
                                    


"Ano Jovy? si Jake my lalabs?!" tanong ko sa kaniya.


"At paano mo naman nasabi?" tanong ni Shiela sa kaniya. Kaya nga!




"First, englishero si Jake at english yang naka-sulat. Next, diba sabi niya 'thank you'? Eh diba binigyan mo ng gift si Jake
nung birthday niya.. malamang yun ang dahilan." sabi ni Jovy habang busy sa pagkikilay.



Nagkatinginan kami ni Shiela at sabay na umirit.


"Ang galing mo beshy. Pwede na is you to be a detective." Bilib na sabi ko kay Jovy. Kinindatan niya kami at nagpatuloy sa pag-drawing sa kilay niya.



"Alam ko na.. pengeng sticky note Shiela." binigyan naman ako ni Shiela ng isang sticky note.


"At para saan yan?" tanong ni Shiela pagka-abot ng isang stciky note sakin.



"Susulatan ko bilang reply sa sticky note na binigay ni Jake." sagot ko habang nagsu-sulat sa sticky note.



"Aba, iba rin. Parang palitan lng ng sulat ah?" Si Shiela. Kinikilig naman ako lalo dahil dun. Feeling ko nasa sinaunang panahon kami ni Jake, ang aking sinisinta, tapos nagliligawan kami. Eeeeehh enebe!



Kabwisit ka Tracy Ann. Tumigil ka nga! Bulong ng demonyo sa loob ko. Kontrabida!



"At paano naman niya mababasa yan? Aber." Sabi naman ng isa pang demonyo, si Jovy na nakataas pa ang isa niyang kilay na peke.



"Hoy gaga ka!! Kung balak mong mangielam ulit sa locker ni Jake na bakulaw. Pwes! Mag-isa ka. Baka mahuli na naman tayo at madawit pa ako" si Jovy.



"Kaya nga! Hintayin ka na lng namin sa cafeteria." si Shiela.


Pagkatapos mag-bye nila beshy umalis na ang  mga ito.


Sino ba may sabing mangingielam ako sa locker ni Jake? tsk! That's not my plan.



Pagkatapos mag-sulat sa sticky note. Dinkit ko ito sa loob ng locker at tinabi ko naman yung sticky note na galing kay Jake. Hehe. Malay mo kasi buksan ulit ni Jake ang locker ko. Ok na yung ready.



Ano nakalagay sa sticky note ko? eto ohhh...




"Walang anuman, Sana nagustuhan mo  yung gift ko. Thank you Jake. Iingatan ko po ang libro mo.

                                                  Love,
                                            Tracy Ann :)

ps. Wag kalimutan i-lock ang locker ko ha? <3

~Xoxo
~Lovelots"

Yieeeh! Ang sweet ko ba? Hihi.. enebe!

My goodness ikinakahiya kita Tracy Ann!
Narinig kong bulong ng demonyo.

***




Uwian na namin at excited akong pumunta sa locker ko. Tumakbo pa ako ng bongga. Pero pagdating ko wala pang reply si Jake sa sticky note ko. Baka busy?? tiwala lng Tracy Ann, babalik ulit yung si Jake.



"Ikaw po ba si Tracy Ann?" isang students ang nag-tanong sakin. I think grade 8 pa lng to.


"Ahh oo. Bakit?" sagot ko dito.


"Tawag ka po ni Ma'am Carbonel. Pumunta ka daw po sa gym." sabi nito at umalis na.


Ma'am Carbonel?? Wala akong naging teacher na ganun ang name pero parang pamilyar.


The Cheerleader is My SuitorNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ