16

7.7K 228 240
                                    

Hoy *Insert Name* ! Anuna? Baka blangko na naman ang maglabas? Inaayos ko na ha! Pag ito blangko pa ang lumabas, Wala na! Ayawan na talaga 😂😂😂

******

Hindi ko alam na yung pangyayari nung gabing yun ay totoo nga at ngayon nagmistula pa itong bangungot. Alam ko na ginusto ko yun kahit lasing ako pero bakit kailangang mangyari to???




Halos lahat ng tao dito sa school nakita na yung picture at karamihan sa kanila iisa lng ang reaksiyon... Pandidiri at pang iinsulto ang nakuha ko galing sa kanila. Pero ang masakit bakit sakin lng nangyayari to?



"Pwede namang hindi ka muna pumasok Shiela." Mahinahon na sabi ni Jovy.




"No. Haharapin ko to." Sabi ko at umalis na ng apartment. Inaamin ko na nasaktan ako dahil hindi sinabi nila Jovy yung tungkol sa issue at the same time naiintindihan ko rin na ayaw nila akong saktan. Pero mas ok na yung masaktan ako sa katotohanan kesa sa akalaing maayos ang lahat yun pala ang dami nang problema.




Naririnig ko ang bulungan sa hallway. Mga hagikgikan ng mga studyante at pasimple nilang pagpaparinig.




"Hahaha Sayang pre, ganda pa naman sana."



"Kaya nga kaso maganda rin pala ang hanap. Hahaha"



Rinig kong sabi ng isang magbabarkada. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil hindi ko na nakakayanan ang pambabastos nila.



"Oh andiyan ka na pala... Bakit bigla kang nawala kahapon?" Sabi ng malditang kong classmate sabay ngisi.


"Guilty? Or nahihiya ka? Hahaha" sabi pa ng kasama nito.



Pumunta ako sa pwesto ko at may nakita akong picture sa desk ko.


May picture na naman? Kelan ba sila titigil...


Kinuha ko ito at tinitigan...



Makikita sa picture ang dalwang babae na nakahiga sa kama at magkalapit ang nga mukha. At malinaw pa sa tubig na ako yung isa sa mga babae. Pero yung isang babae malabo ang mukha halatang sinadya na ako lng ang makita. Bigla na lng pumatak ang mga luha ko. Ilang beses ko ng nakita ang picture na to pero ang sakit pa rin. Pakiramdam ko naloko ako. Dahil hindi ko alam kung sino ang babae na to at kung ano ang kinalaman niya sa mga pangyayari na to.



"Wag mo ng tingnan yan." May umagaw sa picture na hawak ko. Si Vernon na mukhang nag-aalala. Inabutan niya ako ng panyo at tinanggap ko naman ito. Aarte pa ba ako? Gwapo kaya ni Vernon.



"Thanks." Sabi ko at umupo na. Ngumiti lng siya at tinabi na niya yung picture.



Tumingin ako sa mga hudas kong classmate at umiwas naman sila ng tingin.



Tangna niyo! Mamatay na ang hindi marunong gumanti. Makikita niyo! Makakabawi rin ako.



Dumating na ang teacher at nagklase na kami. Nang sumapit ang isa naming subject na kung saan ang teacher namin ay relihiyosa at imbis na mag-turo inuuna pa ang magalit at magsermon. At ang masakit pa yung alam mong ikaw ang pinapatamaan...



"Ang mga bakla at tomboy ay isang abnormality." Hindi maalis sa utak ko yang linyang yan na sinabi niya. Hindi ko na marinig ang iba pang sinasabi ng teacher ko dahil parang nagreplay na sa utak ko ng paulit-ulit yung mga sinabi niya.


Abnormality??? Anong alam niya sa abnormality? At anong karapatan niyang sabihin yan na para bang tama ang mga pinagsasabi niya.



Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan. Hindi ko alam kung lesbian ba ako or hindi pero sabihin man natin na straight ako. Tangna! Bakit ganiyan siya magsalita! Gusto kong mag-react pero ayaw kong kalimutan na guro pa rin siya.



The Cheerleader is My SuitorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora