13

6.3K 205 171
                                    

Ano na kaya nangyari dun? Buhay pa ba ang Tao na toh?? Hayst!

Nandito ako  sa loob ng room busy sa pagiisip ng kung anu-ano. Wala kaming teacher at may kaniya-kaniyang mundo ang mga classmates ko at wala akong balak makigulo sa kanila.

Kanina ko pa iniisip kung bakit hindi na nagpaparamdam yung katext ko na hindi ko kilala. Nung isang araw pa yung huling paguusap namin. Sa kaniya ko binuhos lahat ng sama ng loob at kahihiyan na nararamdaman ko dahil sa kagagahan ko. Simula nun hindi na siya nag-reply.

Speaking of kagagahan, Hindi ako masyadong naglalabas ngayon ng room dahil may mga studyante pa lng nakakaalam nung katangahang ginawa ko. Kaya ayan, yung iba inaasar ako at tinatawag akong babe. Tsk. Lalo na yung dalawa kong beshy.


"Guys! May practice ang cougars, nuod tayo???" Sigaw ng isang classmate ko na bagong dating. Mabilis pa sa kidlat ang pagtayo ko at pag-kuha ng mga gamit ko. Haha.

"Wow Tracy kalma lng! Easy!" Sabi ni Vernon. (👈Ohmygoddeuu. Lol)

"Hehe sabi ko nga." Nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Oy, sama kayo? Dali na!" Pangaaya ko sa iba kong mga classmate na medyo close ko.

"Sige. Matagal na rin simula nung nanuod tayo ng practice nila." Sagot ni Mary, classmate ko. Lumabas na kami ng room para pumunta sa gym.

"Kaya nga, Ewan diyan kay Tracy may iba na atang pinagkakaabalahan." Malisyosang sabi ng isa ko pang classmate.

"May babe na pala hindi man lng nag-kwento sa atin noh?? Kakatampo ha. Aray!!" Hinampas ko ng bag yung classmate ko. Lakas kasi mang-asar eh.

See??? Hindi ako makapaniwala nung una na kinabukasan pa lng may mga nakakaalam na nung issue about sa pag tawag ko ng babe dun sa isang cheerleder. Aiiissshhh! Unbelievable! Ganun na ba yun ka-bigdeal? Tsaka paano naman yun kumalat agad. -_-

Isigaw mo ba naman yung word na babe sa public place, not to mention sa field pa kung saan ang daming studyante tapos cheerleder pa ang naisipan mong tawaging babe! Nagtaka ka pa Tracy!   Sermon sakin ng konsensya ko. Hindi pala konsensya, demonyo! Hmp.



"Pero seriously, hindi mo talaga kilala si Ms. Maddilyn???" Tanong ni Mary. Umiling naman ako bilang sagot.

"Ulay kang babae ka! Saang lupalop ka ba nanggaling. Ilang taon ka na dito sa school natin tapos hindi mo man lng kilala si Ms. Maddilyn?!" Shock na sabi ni Tim, classmate ko and gay siya.

"Eh sa hindi ko siya kilala eh. Dapat ba kilala ko siya??? Tsaka Ms. Maddilyn??? Bakit naman Ms. tawag niyo dun? Wow ha, formal masyado!" Sabi ko sa kanila.

"Palibhasa hindi mo siya kilala kaya wala kang ideya." Sagot ng isa kong classmate. K fine! Ako na walang alam.

"Kesa naman sayo, babe ang tawag mo sa kaniya! Yun ang wow! Hahaha!" Pangaasar ni Mary.

"Kaya nga. Assuming ka masyado teh! Hahahahhaha" si Tim.

"At tuwang-tuwa naman kayo sa katangahan ko noh?" Naaasar kong sabi sa kanila. "Tara na nga. Hanap tayo ng magandang pwesto. Namiss ko na si Jake panuorin." Sabi ko habang naglalakad papunta sa mga bleachers.

"Ok sabi mo eh." Sagot nila at umupo na kami at hinintay ang pagdating ng mga players.


Habang naghihintay kami dito sa gym, nag-vibrate phone ko. Kinuha ko ito at binuksan.

Abat nagparamdam din! Sa isip-isip ko pagkakita sa message galing kay... kay Beh??? Hahaha hindi ko nga kasi alam name niya.

The Cheerleader is My SuitorWhere stories live. Discover now