Jose Marie Totoy Viceral ( Part 9Darkest Point )

16.7K 145 10
                                    

A/N: Ginawa ko ang lahat para itagalog ang SPG at buong chapter na'to. Dumugo ilong ko, epistaxis si Author.Kinakabahan talaga ako sa ud nato, nagdadalawang isip akong e publish eh, haha...whew! Hope u would still support my story after learning about Vice. Sana mahalin pa rin natin siya. Eto na basa,hehe...

.

.

.
April 21, 1999

"Hapi bertdey Totoy binata ka ng talaga." Sabi ng kaibigan kong si Peter na kasamahan ko sa pagkakargador sa pier, matanda lang siya ng dalawang taon sa akin at magkapit bahay kami s tinitirhan na squater. Medyo malusog ang pangangatawan nito at hindi katangkaran,pero marami itong syota syotaan dahil magaling dumiskarte. Kasalukuyan kaming nagmimeryenda sa tindahan katapat ng pier, alas tres na ng hapon at araw araw ay ganitong oras kami nagbi break.

"Binata na nga wala namang syota! Hoh Totoy mahina kang talaga. Gusto mo bang sumama sa amin mamaya ha, pupunta kaming nayt club. Nang mabinyagan ka nah. Ano, sama ka na!" Sabat naman nitong isa pa naming kasama na si Benjie, mas matanda at matagal na siyang nagtatrabaho dito sa pier, ako naman, isang taon na simula nung mag 15 years old ako. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa, lagi nalang nila akong tinutukso kasi ako lang ang totoy sa kanila na nagtatrabaho dito.

"Ano bang iniiling iling mo diyan Toy, sama ka na. Marami chicks dun nang makadilig ka naman. Hahaha." Nag give me five ito kay Pedro tapos nagtatawanan

"Mga siraulo talaga kayo Benjie, alam niyo namang hindi ako papayagan ng Tsong na lumabas."

"Maniwala ka diyan sa Tsong mong panot uy, di mo naman totoong tatay yan. Magpaalam ka ng maayos tutal bertdey mo naman, papayagan ka nun."

"Ang talino talaga nitong si Pareng Pedro oh."

"Naman ako pa." Nilaklak ang softdrinks na nasa supot sabay isang subo sa tinapay.

"Pag-iisipan ko pa mga brad."

"Pag-iisipan akala mo naman may handaan mamaya sa inyo. Sa amin ka sumama, parti parti mamaya sa bertdey mo."

"Oo na , oo na magpapaalam ako kay Tsong." Pumayag nalang ako para wala ng maraming salita pa, pag-iisipan ko na ang ipapaalam ko kay Tsong pagkauwi.

"Tara, balik na tayo sa trabaho." Ininom ko ang natitirang laman ng softdrinks saka tumayo. Pinagpag ko ang butas butas na jeans na suot ko at sumunod namang tumayo si Benjie.

"Uy, kumakain pa ako ano ba kayo diyan." Sabat ni Pedro na punong puno ang bibig, pinagkasya na yata nito ang tatlong piraso ng tinapay na binili niya.

"Tama na yan kaya ka dumadamboo eh dahil sa katakawan mo." Nagtawanan kaming dalawa ni Benjie habang napakamot lang sa ulo si Pedro na tumayo nalang din.

Pagkatapos ng maghapong trabaho sa pier ay umuwi ako sa amin, may bitbit na isang kilong bigas at tatlong pirasong isdang nabili ko sa palengke nang may maulam naman kami. Pagkabungad ko pa lang sa pinto, nakita ko na kaagad ang tsong na nagtotong its kasama ng mga tambay, nasa bibig nito ang isang stick ng papaupos ng sigarilyo. Napailing nalang ako at maingat na pumasok sa loob, pinapractice pa rin sa utak ang ipapaalam ko sa kanya.

"Tong its! Haha!" Sigaw ng Tsong saka inilahad ang baraha sa lamesa, pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ako sa lababo na katapat lang na maliit na sala kung saan sila nagsusugal. Kasalukuyan ko kasing inilalagay sa plato ang isda na nabili.

"Uy Totoy andiyan ka na pala"

"Ay hindi picture ko lang to." Sa mahina kong boses

"May sinasabi ka?" Nanlilisik ang mga mata nito kaya napailing ako ng sunod sunod, lumapit ako sa kanya at nag-abot ng kaunting pera na kinita ko kanina sa pier. Araw araw kasi ang bigayan dun at sumasahod ako ng 200 per day. Nakasanayan ko na din na araw araw niyang hinihingi ang kinikita ko, pero binabawasan ko ng 50 ang pera para ihulog sa alkansiya ko.

Deepest Darkest DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon