All of Me ( SPG Part 16)

17.2K 191 77
                                    

A/N: Hello guys. Pagpasensiyahan nyo na ang Title, na LSS lang talaga ako sa kantang iyan in fact, iyan ang song na nakakabit sa media. Haha, I hope you'll enjoy this short chapter. May sakit si author eh:(

.

.

.

Succesfull ang pamimilit ko kay Vice dahil pumayag na siyang sumama ako sa kanila, mabuti nalang at nadala dun sa salitang I want to be with you, but it is true though. Naabutan ko pa si Pareng Yael na kausap ni Vhong sa sala with Anne, but where's Vice? Hindi na yata ako nito nasasanay na wala siya dahil palagi ko na siyang hinahanap. Tsk.

Nang nakababa na ako ng hagdanan, all eyes are on me. I don't know if it is because of my hair braided to the side, or my denim shorts that compliments my legs or maybe my gray hanging blouse?

"What guys?" I asked, confused

"You look so hot today gurl." Anne giggled. Seryoso ba to?  "Mabuti nalang pumayag si Prince na isama ka. Boring din kaya kapag ako lang mag-isa dun." She added nang makalapit na ako sa kanila. Nakatingin lang naman sa akin sina Vhong at Yael. 

"Nasaan na nga pala si Vice?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit balikat lang si Anne nang biglang may nagsalita sa likuran ko

"Missing me already?" Napalingon naman ako sa direksiyon ng nagsalita. He is wearing a white Vneck shirt , board shorts with his aviator shades on and that's pretty much of it. Though he wears a simple outfit, Vice is stunningly beautiful. Nakapamulsa siya without leaving his eyes on me, studying me from head to foot. 

"Una na kami sa labas Brad." Says Vhong na nakaakbay kay Anne. Si Yael naman, parang tuta na bumuntot sa dalawa. 

"You look so sexy, and beautiful as always." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabing yun ni Vice isabay pa ang malagkit niyang titig. Yiieehhh!

"Uhm, thanks?" Tinalikuran ko nalang siya't nagsimulang maglakad, ramdam kong sinusundan niya ako.

"Parang tahimik yata ang pinsan mo kanina pa." Pabulong kong sabi kay Vice nang malapit na kami sa garahe.

"Pinsan? Sinong pinsan?" Nakakunot ang noo nito

"Si Yael." 

"Sinong nagsabing pinsan ko siya? Scholar siya ng Dad ko sa Manila at yearly yang bumibisita dito kapag umuuwi ang mga magulang ko."

"AHhh, pero sabi niya kasi sa akin nung isang gabi eh, yun ang pakilala niya sa akin. Baka pinagti tripan lang ako." Nagkibit ako ng balikat

"Kinausap ka niya nung isang gabi?" Kunot noo naman si Vice habang napatigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"Oo.  But that was a short talk. Hindi din naman kami nagka chance na magkausap nung nagpunta kami sa niyogan dahil busy siya sa phone niya." I don't know why I need to explain.

"Bakit, gusto mo bang magkachance kayo na magkausap?" Nanlaki naman ang mata ko sa paraan ng pagtatanong niya. Seryoso kasi siya eh tapos tiningnan si Yael na nakikipagtawanan kina Vhong at Anne.

"Seriously Vice?" Sabi ko kaya bumalik yung tingin niya sa akin, his expression is unreadable

"Ano, tatayo nalang ba tayo dito Prince? Galaw galaw din pag may time." Sabay naman kaming napatingin kay Anne na nakangiti sa amin. 

Lumulan naman kaming lahat sa sports car dahil isang kotse lang naman ang gagamitin namin. Si Vice yung nagda drive at katabi ko siya. Sa likuran naman yung tatlo. Ang gugulo nila sa likod puro harutan lang, para nga silang love triangle eh nang biglang dumapo ang tingin sa akin ni Yael, kita ko kasi sa front mirror.

Deepest Darkest DesireWhere stories live. Discover now