Part 1: The Great Eye in the Sky..

1.4K 16 0
                                    

Kasalukuyang bumubuhos ang malakas na labas, habang nakasabit ako sa loob ng jeep.


("Grabe.. magiging bagyo pa ata ito..") bulong ko sa sarili ko.


Ilang yarda pa ang itinakbo ng jeep at tinawag ko na ang attention ng jeepney driver.


"Manong para po." tawag ko sa kanya.


Huminto ang jeep at bumaba na ako. Wala akong payong pero dedma kong sinugod ang malakas na ulan.


Author's note:

Ganun kasi ako. I can live in the cold, but NOT sa init.


Kaya ayaw na ayaw ko ang summer time. Mas masaya ako pag rainy season.

Besides.

Marami sa magagandang pangyayari sa buhay ko ay kakambal ng tag ulan.


I don't know kung coincidence lang talaga, pero masusundan nyo pa ako at ang ulan..


sa mga susunod na tagpo ng ating oddventures :)


_______

Ibinaba ako ng jeep sakto sa harapan ng school nila Ness. At dahil umuulan nga, walang tambay sa island sa gitna ng daan kung saan usually e ang mga estudyanteng nakatambay e marami.


yeah. Sa Sta. Ana, Manila nga ito.


Ang school nila Ness ay St. Mary's Academy na ngayon. Pero in our time?


St. Anne Academy pa ito.


Naglakad ako sa ulan ng may matipid at pa cute na ngiti. At dahil damang dama ko ang mga pangyayari kanina, at ang ambience na dulot ng lamig at ulan, napa kanta ako ng konti sa isang nababagay na himig.



"Hiwaga ng panahon.."

"Akbay ng ambon.."

"Sa fiesta ng dahon.."

"ako'y sumilong.."



Author's note ulet:

"Ulan" by Rivermaya.



Inikot ko ang aking paningin.. at natagpuan ko ang isang Jollibee sa ilang hakbang mula sa pwesto ko malapit sa school ni Ness.


(Okay.. dun na ako magpapalit ng damit..)


Patakbo kong tinungo ang Jollibee habang ipinagpapatuloy ang himig.


"Daan daang larawan ang nagdaraan sa aking paningin" himig ko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now