Part 20: The Rebel's Story.. continued

257 4 0
                                    

"Galing sa mahirap na family ang mama at papa ko." panimula nya.

(Akala ko ba ang ate nya ang pag uusapan namin?)

"Natapos sila ng mga courses nila as scholars, until somehow, itinadhana na magkita ang dalawang achievers."

"Nairaos nila at naibangon mula sa kahirapan ang kanya kanya nilang pamilya. Matagal na silang mag asawa bago pa ipinanganak si Ate."

"malaki rin ang agwat ng edad namin ni Ate."

(Ayun na.)

(Simula na ng topic..)

"Dahil lumaki sa hirap, matindi ang value ng mga magulang ko sa perang kinikita nila kaya halos ang buong buhay nila ay inilaan nila sa pag gawa ng pera."

"Lagi nilang sinasabi sa amin lalo kay ate.."

"Education lang ang maipapamana namin sa inyo.. Ang bawat luxury na nararamdaman daw namin ay product ng paghihirap nila."

"totoo naman yun."

"Lagi rin nila sinasabi na mawawala yun sa oras na bumagsak kami sa pag aaral."

"mahigpit sila kay ate."

"Laging napapagalitan kapag hindi nya na a-achieve ang grades na required para maging scholar."

Huminga ito ng malalim.

Malalim ang hugot.

Uminom ng coke at muling nagsalita habang pilit kong inaanalyze ang bawat sinasabi nya.

"Hindi ko kasi maintindihan Mav."

"May pera naman kami, pero laging gusto nila ay 100% scholarship si Ate."

"Gusto nila?"

"Danasin namin ang hirap na dinanas nila kahit meron naman."

"Tama ba yun Mav?"

Nakatingin lang ako.

(Sa bata kong kaisipan ay naghahalo ang inis.. at pagkakaintindi sa mga sinasabi ni Rina.)

(Pwede kasing ginagawa ng magulang ni Rina yun para maintindihan ng magkapatid ang halaga ng education at bawat perang pinaghirapan.)

(Pero di ba parang sobra naman masyado ang expectations masyado?)

(at lahat ng "sobra"?)

(masama.)

(Yun ang nakakainis.)

(Parang ang OA masyado.)

"Ewan ko Rina, sa tingin ko ay may point naman sila, pero parang ang OA naman masyado.." maligamgam kong wika.

"Nakikita ko ang tahimik na pagluha ni ate sa room pag napapagalitan siya.."

"mataas naman ang grades nya.."

"minsan nyang sinabi sa akin nung andito pa siya."

"Rina.. hindi laging title at awards ang sukatan ng kaligayahan ng isang tao."

____

Author's Note:

"Hindi"

"Laging"

"Title"

"at"

"Awards"

"Ang"

"Sukatan"

"ng"

"Pagkatao."

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now