Part 36: Valentine's Day 96 (Continued..)

501 10 11
                                    

6:45 AM - Montesori de San Juan, Greenhills.

Bumaba kami ng taxi ni Kim. Siyempre sagot nya at siya ang may pera ngayon :)

"Bes, pasok na ako." pamamaalam nito.

"Sige lang bes, may 30 minutes pa ako para bumalik sa school." wika ko naman.

"Pa kiss na." hirit ko.

Inangat ni Kim ang kanang cheek nya to receive my kiss.

smack.

isang malutong na kiss ang ibinigay ko.

"Sige na bes. ingat ka ha." bilin nito.

Naglakad ito palayo ng nakatingin pa rin sa akin. Ilang steps bago tuluyang tumalikod.

Nakangiti akong bumalik ng taxi.

"manong kalentong po." wika ko sa driver

at tulyan na itong umalis.

Mula sa bintana ko sa likod e nakita kong may ilang lumapit na lalaki kay Kim.

Kita ko na may mga gift din.

Lihim akong napangiti ulit.

(Baket?)

(Kala nyo makaka kiss din kayo?)

(asa boy..)

(Grahhahhahahhahah!)

Napailing na lang ako at muling bumaling sa daan.

______

Meanwhile, sa school canteen ng Montesori.

Hindi magkanda ugaga si Kim sa dami ng dala nya, kaya tinulungan siya ng mga friendship nyang girls magdala.

"Kim ang dami naman nito!" wika nung isa.

"Oo nga! iba talaga pag maganda ano?" wika nung isang panget.

"Ano ba kayo, di naman ako maganda.." wika naman nito.

Naupo sila sa mga chairs sa isang table.

"Kung hindi ka maganda? ano kami?

"karumaldumal?" wika nung isa nyang friend na bading.

"Hihihiihi!" hagikgikan ng tropa nya.

"buksan na nga lang natin tong isa.. from my bestfriend!" excited nyang wika.

"Yun yung naghatid sa iyo kanina?" ask nung bading.

"yah!" wika nito sabay bukas ng paper bag.

Una nitong na notice ang kahon at binuksan ito.

"Wow..."

"Ang cute.." pa tweetums na sabi nito.

Bumungad sa kanya ang makulay na pink long hair ng troll. nakadikit pa ang sticker na "rub my hair for good luck!"

"Bah yan Kim! magbibigay na lang halimaw pa!" olay nung bading.

"chaka! hihihihihi!" tawa nung isang girl.

nakangiting tumugon si Kim.

"Napansin nyo ba?"

"Puro bears ang bigay sa akin?"

"Except for this?" wika ni Kim sa mga kasama.

"Distinction ba yan bakla?' ask nung bading sa kanya.

"Kakaiba siya." tanging tugon ni Kim.

Kinuha nito sa paper bag ang card.

Inagaw ito nung maepal na bading.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now