Part 3: The Art of Turning the Tides

549 5 0
                                    


RRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGG

"Hello Loverboy!" masiglang wika ni Margaux sa kabilang line.


"Hello love ko.." mahina kong tugon.


"May atraso ka sa akin! hmmft!" wika nya.


Inikutan ko siya ng mata.


"Ano na naman ang ginawa ko?" mahina ko pa ring ask.


"Pumunta ako sa school nyo! Sinundo kita kanina! Only to find out na absent ka!"

"hmmmm.."

"San ka na naman naglakwatsa?"

"Nakakainis ka." inquisitive nyang ask.


(Sa pagitan ng hita ni Vanessa!) sigaw ni konsensya sa isip ko.


Pinigil ko muna ang bibig ko at baka ang isinigaw ni konsensya ang masabi ko.


Huminga muna ako ng malalim.


"I am sick love ko.. nilalagnat ako and nasa bahay lang ako all day." pagdadrama ko.


Saglit na tumahimik si Margaux. Ilang saglit pa ay nagsalita rin.


"Then why didnt' you beep me? E di dapat jan na ako pumunta sa inyo. Nadalhan man lang kita ng something." wika nya.


"Ayaw kitang mag worry.. im getting better na naman and im reserving my energy for tomorrow.." defense ko naman.


"Tomorrow? baket anong meron bukas?" naguguluhan nyang ask.


(Time to turn the situation dude.)

(Move!) bulong ni konsensya.


"Margaux.. you're not listening to word I say ano?" kunwari e naiinis kong ask.


"Ha? I dont understand?! What are you saving Maverick?" papatol na rin nyang ask.


Hindi muna ako umimik.


"Love ko? Magsalita ka nga jan?" asar na nyang ask.


Hindi pa rin muna ako nagsalita. Mga 30 seconds.


"Jeproxz Maverick Esteban! Ano ba?!" singhal nya sa akin.


Huminga ako ng malalim na sadya kong ipinadinig ko sa kanya.


"Di ba may date tayo tomorrow? Nakakatampo naman.." paawa kong wika.


Saglit na napaisip si Margaux.


"Ayy! yeah.. im sorry love ko I forgot.." malumanay na nyang wika.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now