Part 25: Bestfriend Duties...

308 4 2
                                    

4:30 AM - Maverick's Room

Ang aking pagkakapikit kagabi ay lubusang naging mahimbing na tulog.

Nagising ako at una kong dinampot ang beeper kong naka charge by the lampshade.

2 Messages.

Binasa ko ang unang message:

"Love ko I just woke up, prepping up na for school. Wake up ka na rin. I love you! -Margaux"

Too early to call or send a message. Inilipat ko ang screen sa next message.

"Bes i called you last night as soon as i got home. Wala nang sumasagot so I just slept. Can you pick me up tomorrow? sabay tayo pumasok okay? - Kim"

Yun.

At least makikita ko si Kim today.

Malamang magtatanong yun ano nangyari in the weekends, makikichismis ba.
Of course I dont want to reiterate pa ang nakakahiyang situation from yesterday, so i guess hayaan ko na lang.

(Hayaan ko na lang.)

(Mukhang nag ra rub in na ang ugali ni Rina sa akin ah..)

Tumayo ako para mag inat nang may mapansin ako.

Isang paper bag.

Ay uu!

puta.

Di ko pa nga pala nagagawa yung iprinisinta ko kay Kikay!

Oh well.. mamaya na lang after school sa shop na lang.
Open naman yun till 6 and it wont take me too long para gawin yun.

Bangon na! Start na ng panibagong araw.

_________

Nauna ako nagising sa lahat, even kay Yaya. So what I did is nagsaing na ako and nagprito ng longganisa.

For once nagiging mabaet at masipag din naman ako no :D

Gulat si mader pagbaba nya nung hagdan.

"Wow.."

"Ikaw ang gumawa ng almusal?" ask nito habang nasa tarangkahan ng hagdan.

"Opo. Maaga ako nagising e." tugon ko.

"Ang aga mo nga matulog anak e. Tama yan. Dapat laging ganyan" wika nito.

(Nasermunan pa amf.)

"Whatever mader." matabang kong tugon at umupo na sa silya para mag agahan.

Sabay kami ni Mader kumain habang nakikinig ng magandang umaga bayan. Sa pagkain namin ay bakas pa rin sa mukha ni mader ang anxiety.

Nag usap kami kagabi at malamang e iniisip nito saan kukunin ang pambayad ng tuition ko.

Gusto kong mag open up and try to comfort her, but inisip ko na baka masira lang ang momentum nya ng pagpasok kung kukuda pa ako.

With that said?

Nauna na rin ako matapos, nag prepare na para maligo at walang 15 minutes ay bihis na.

_____

"Ma, mauuna na ako ha?" paalam ko kay mader na kasalukuyang nag aayos ng sarili sa room nya.

"binata na talaga.. hindi na sumasabay sa mommy!" pang aasar nito sa akin.

"Di naman ganun, basta. aalis na ako." paalam kong muli.

Hindi ko na hinintay pa ang tugon nya at mabilis na akong umexit ng bahay.

______

5:45 - Sa bahay ng mga De Lara.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now